Sa Galaxy Star Hotel.
Kakarating lang halos ni Juno at ni Maggie sa hotel, nagderitso si Maggie sa kanyang kwarto, si Juno naman ay himalang sumama kay Maggie. Nagtataka ngayon si Juno kung bakit hindi man lang nagtatanong si Maggie tungkol kay Jigs ganung nakasama ito ni Juno sa Racing Area.
"May nalasap ka ba ng kung anong hangin?" pagbasag ni Juno sa katahimikan nilang dalawa.
"Ha?" sambit ni Maggie na kanina pa palang naglalakbay ang isip kung saan.
"Himalang hindi ka makulit ngayon. Hindi ka magtatanong tungkol kay Jigs?" tanong ni Juno.
"Hindi naman. Wala naman akong itatanong tungkol sa kanya, isesearch ko na lang sa internet hehe." awkward na sagot ni Maggie.
Napatingin si Juno sa gawi ni Maggie, may kung anong iniisip si Juno na pilit binabasa ang mukha ni Maggie pero walang emosyong makikita.
"Are you okay?" tanong ni Juno.
"Yeah, I am." sagot naman ni Maggie.
"He said, niregalo daw 'yung Reavenne the 4th ng magulang niya sa kanya." pag-uumpisang pag-kwento ni Juno kay Maggie tungkol sa napagkwentuhan nila kanina ni Jigs sa Racing Area.
"Pangarap na daw niya noong bata pa siya na makasali sa mga Racing, noong una gusto niya 'yung mga kotse, 4 wheels ang imaneho pagdating sa Racing, pero mas nakakagaan daw pala sa loob kapag motor." pagpatuloy ni Juno.
"Wala siyang girlfriend." sambit ulit ni Juno na ngayon ay lumingon kay Maggie, handang asarin ang kaibigan.
"Sinabi niya mismo sa'yo na wala siyang girlfriend?" tanong ni Maggie.
"Tinanong niya ako kung ba daw may boyfriend ako o may natitipuhan ako, binalik ko lang sa kanya ang kanyang tanong." sagot naman ni Juno.
Hindi alam ni Maggie ang kanyang nararamdaman ngayon, may kung ano ba sa kaloob-looban niya na nagtataka kung bakit tinanong ni Jigs si Juno kung may boyfriend ito o wala. Kung ganitong nagtanong si Jigs sa kanya ay malamang sa malamang ay interesado siya kay Juno.
Hindi maiwasan mag-isip ni Maggie ng mga bagay-bagay. Bagay si Juno at si Jigs, parehas na nangangarera at halatang-halata sa dalawa kanina habang nasa Mt. Silvanus ang mga ito na magkasundo sila at lagay na ang loob sa isa't-isa. Hindi sila nag-aalitan, hindi nagsisigawan, nakukuha pa nitong biruin ang isa't isa.
"Ah hehe. Okay." medyo awkward pa rin na sagot ni Maggie.
"Are you sure you're... okay?" pagtatanong ulit ni Juno.
"Yes, yes, medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kahit noong nasa Mt. Silvanus pa tayo, kailangan ko lang siguro ng pahinga." pagpapa-lusot naman ni Maggie.
"Okay, I'll leave for now. Take a good rest, have a nice sleep. Inform me once you wake up." sambit naman ni Juno na ngayon ay tumatayo na sa kinauupuuang sofa.
Bago pa man nakalabas sa pinto ay tiningnan ni Juno si Maggie.
"Do you want something? I can buy it for you." sambit ni Juno habang hawak ang door knob ng pinto.
"It's alright. I got here what I want." ngiting sagot ni Maggie pero halatang pilit.
"Magdalene...." pagtawag ni Juno sa pangalan ni Maggie.
"Hmmm?" medyo awkward na sagot ni Maggie.
"You know that you can tell me everything, right?" tanong ni Juno.
"You're my friend, I know. But I also do know that I'm your friend. Confidant to confidant." pagpatuloy ni Juno.
Medyo natigilan si Maggie sa sinasabi ni Juno ngayon, nagdadalawang-isip kung sasabihin ba dito ang totoo o kung lulunukin na lang ang pride at ang nararamdaman na kanina pa niyang kinikimkim.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...