Chapter 68 Fielle and Juno Spotted Together

7 0 0
                                    

Fielle and Juno

Pagdating ni Juno sa bar ay nakita niya agad kung saan naka-park ang motor ni Fielle. Hindi maaaring magkamali si Juno na 'yun ang motor ni Fielle. Reavenne din ito, kagaya ng kanya. Tinulungan niya si Fielle noon na makakuha nito. At itinabi ni Juno ang kanyang minamanehong Raptor sa motor.

Pagkapasok ni Juno sa loob ng bar ay hindi niya na kinailangan hanapin pa si Fielle dahil alam na niya na doon ito pupuwesto sa dating pinupuwestuhan nila. Makikita ang isang Fielle na naka ¾ polo sleeve na itim, nakabukas ang butones nito sa didib. Halatang bagong gupit lang ang buhok, naka-gel. Nasa lamesa ang mga kamay, naka-cross arms, pinagmamasdan ang paligid.

"Hi." bungad na bati ni Juno.

"Wow." hindi maitagong mangha ni Fielle nung makita si Juno.

"Yeah. Should I joke 'ako nga pala 'yung sinayang mo." pagbibiro ni Juno.

"Hahahaha! Sira ka talaga."

"It's been a while since I saw you wearing a dress and ponytail." sambit ni Fielle.

"I don't have the mood to drive my bike right now." pag-amin ni Juno.

"Oh. Nag-commute ka papunta dito?"

"Nope. 'yung Raptor."

"Ahh, 'yung binigay mo sa kaibigan mo?"

"Mn."

"Too much memories." pagbiro ulit ni Juno.

"Nandito tayo para maghappy-happy, hindi para konsensyahin ako." natatawang sambit ni Fielle.

Napa-umis naman ng tawa si Juno at saka nagbuntong-hininga. Napansin rin naman ito ni Fielle

"Still the same drink?" tanong ni Fielle at saka tinaas ang kamay para tawagin ang waiter.

"Whatever this time."

"Okay Bourbon it is." sagot ni Fielle.

Makikita ngayong ang dalawa na nakaupo na nagkukuwentuhan, minsan nagtatawanan. May ilang baso na rin na nagkalat sa lamesa. May lemon. May nakalagay na rin na bucket ng beer.

"Does your Sean drinks?" tanong ni Fielle.

"Tsss. He doesn't, or maybe occasionally. Mala-anghel ang bait ng isang 'yun." sagot ni Juno.

"Are you sure?" tanong ni Fielle.

"Mn." tatango-tangong sagot ni Juno.

"Then why you haven't heard from him again after the game?" tanong ni Fielle.

"He's busy. They are right. Kung celebrity ang jowa mo, dapat talaga understanding ka."

"Understanding? Eh ang nakikita ko ngayon ay isang Juno na puno ng pangungulila." sagot ni Fielle.

"Sus. Busy lang 'yun." sagot ni Juno.

"Ikaw ba? Kumusta na kayo ni Fiona?" tanong ni Juno.

"It was just a fling at first." Biro ni Fielle.

"Fling na nagtagal? I can still remember your husky voice while crying...telling me that you don't want to lose her." natatawang sambit ni Juno.

"Oh my god! Ezra Kwin! Please!" tumatawang sambit ni Fielle habang ang dalawang kamay ay nasa tainga na para bang ayaw pakinggan kung ano pa man ang sasabihin ni Juno.

"Do you remember that night?" natatawa ulit na tanong ni Juno.

Napailing na lang si Fielle sa mga tanong ni Juno. Habang nag-uusap ay may biglang nagflash na para bang kinukuhanan sila ng litrato. Napatingin sila parehas sa direksyon kung saan nanggaling ito. Hindi sila nagkakamali, may nagpicture nga sa kanilang dalawa.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now