Nagpapahinga ngayon ang lahat. Mga crews, staffs, pati na rin ang casts. Ang iba ay busy sa pakikipagkwentuhan, ang iba naman ay busy sa pagcecellphone. Hindi mawala sa isip ni Aim ang tingin sa kanya ni Juno kanina. Ang salitang nagbigay bangungot kay Aim na "you're no different from your slanderer" ay napalitan ngayon ng "you're forgiven", "you're forgiven", "you're forgiven". Habang paulit ulit na naririnig ni Aim 'yun sa utak niya ay unti unti siyang ngumingiti. Napabalik lang sa ulirat si Aim ng sikuhin siya ni Kuya Danny.
"Hindi ko akalain na chickboy ka pala, mas mabilis ka pa sa alas kwatro ng madaling araw eh" pagbibiro ni Kuya Danny kay Aim.
"Ipaalala mo sa akin Kuya Danny na babatukan ko si Jigs mamaya" sambit ni Aim.
"Eh ayaw mo pa nun? Tingnan mo ang ginawa ni Jigs, 'yun pa ang naging dahilan kung bakit ka napatawad nung Ezra. Pero ang galing mo ha, marunong kang pumili" ngingisi-ngising sambit ni Kuya Danny.
Napatawa si Aim sa sinabi ni Kuya Danny sabay sabing:
"Hay naku Kuya Danny, gusto ko lang na mapatawad ako nung tao. Baka mamaya niyan ay madumihan ang pangalan ko hehe, alam mo na. At tsaka isa pa, wala akong anumang nararamdaman at wala rin akong balak na ano...na alam mo na. Hindi naman tayo magtatagal sa lugar na 'to, pagkatapos ng filming at ng shooting ay uuwi na tayo. Kung magkaroon man ng bagong drama ay malamang sa malamang lilipat tayo ng ibang lugar"pagpapaliwanag naman ni Aim.
"Bakit? Kung magtatagal ba tayo ay may balak ka? Hahaha" pagbibiro ni Kuya Danny.
"Wala din po. Hahaha. Wala sa utak ko Kuya Danny ang mga ganyang bagay pa" sambit ni Aim
"Kailan ko kaya makikita na may nobya ka na?" mukhang biro pero alam mong seryoso na nagtatanong si Kuya Danny.
Matagal ng staff si Kuya Danny ni Aim. Noong nagsisimula pa lang ito sa pagiging artista ay kasa-kasama na niya ito. Lagi rin siyang kasa-kasama ni Aim kapag may shoot ito, o kung anuman ang trabaho nitong ginagawa. Pero kahit isang beses ay wala man lang itong nakita na babae na kasama ni Aim, maliban na lang kung nasa ganitong shooting. Natawa si Aim sa kanya noong minsan nung tinanong nito kung si Jigs ba ang type niya.
"Hay naku Kuya Danny, dadating din tayo sa panahon na iyan. Huwag po kayong mainip." ngiti na sagot ni Aim.
"Alam mo nahihiwagaan ako kung anong meron nung Ezra na 'yun. Ang misteryoso kasi ng dating. Hindi mo maintindihan kung ano ba ang iniisip. Kung makatingin naman ay hindi mo alam kung nagbabalak na ba siya ng masama sa tao sa harapan niya" paghalumbaba ni Kuya Danny.
"Kuya Danny!" saway ni Aim kasi baka may makarinig.
"Pero familiar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya kung saan" sabi ulit ni Kuya Danny.
Sa may kalayuan na kalsada ay makikita ngayon ang Raptor na kulay itim na kakarating lang. Napatingin sila sa sasakyan. Nagtataka kung sino ito. Bibihira lang kasi ang may alam ng lugar at napakadalang na may dumadaan na sasakyan, nakakapagtaka lalo na't tumigil ito mismo sa Mt. Silvanus, sa mismong filming site nila. Ibinaba nito si Jigs. Nagtaka si Aim kung kaninong sasakyan ito, wala siyang natatandaan na bumili si Jigs ng ganitong klaseng sasakyan. Imposible rin naman na sa agency ito ni Jigs.
Tinitingnan nila ngayon ang isang Jigs na lumalakad papalayo sa sasakyan. Bago pa ito makalayo ay binaba ng babaeng driver ang bintana ng sasakyan at makikita na sumisigaw ito pero hindi nila naririnig kung anuman ang sinasabi nito dahil medyo malayo, sinisigawan si Jigs pero si Jigs naman nakasalubong ang kilay na tila bang walang naririnig, walang pakialam sa sinasabi ng babae at deri-deritso lang ang lakad.
"Basta make sure na walang makakakitang iba na magkasama kayo ni Jigs, alam mo na." paaalala ni Manager Juls na nasa tabi na pala ni Aim habang tinitingnan din si Jigs na papalapit sa tent nila.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
Fiksi PenggemarMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...