Chapter 10 Misunderstanding/Miscommunication

4 0 0
                                    

Noong araw na umuwi si Aim sa hotel, nagpaiwan ang iba niyang kasamahan sa filming site. Ang iba kasi sa mga ito ay doon nag-i-stay, doon na tumitigil para less hassle. May tatlong tent din naman na nakatayo, ginawa nila ito noong mag-uumpisa pa lang silang magshoot sa lugar.

Sa tuwing may shooting, lagi talagang merong tent na tinatayo. Kasama si direk at ang manager ni Aim sa tumitigil sa isa sa mga tent. Kapag ganitong wala silang ginagawa ay nagkwekwentuhan, minsan naman ay nagdidiscuss kung paano pa pagandahin lalo ang drama para makaattract ng madaming viewers.

Noong gabing umuwi na sa hotel si Aim ay hindi mapigilan ni Manager Juls at ni Direk mag-isip kung paano sila hihingi ng tawad kay Juno at kung ano ang gagawin nila para makuha ang loob ni Juno.

"Imbitahan kaya natin si Juno bukas para manuod ng pagshoo-shoot?" tanong ni direk.

"Juno?" Taka ni direk.

"Yung Ezra, pakinig ko kanina, tinawag siya ng driver ni Mr. Nam na Juno." Sagot naman ni Manager Juls.

" ?.. Eh 'di ba direk bawal 'yun? Paano kung kuhanan niya ng litrato? Tapos i-post niya online?" banggit ng manager ni Aim.

"Sa tingin ko hindi niya 'yun gagawin. Narinig mo ba ang sinabi niya sa alaga mo noong isang araw nung bago siya pumasok sa kanyang bahay?" tanong ni Direk.

"Oo direk! At nasaktan ako para sa alaga ko ng dahil sa sinabi niyang 'yun!" sagot naman ni manager.

"Eh ba't ka ba kasi nagpost ng ganun? Eh 'di ba ikaw ang nagma-manage ng page ng company ng alaga mo?" pagtatakang tanong ni Direk.

"Hindi ako ang nagpost direk. Si Aim mismo." sabay buntong hininga ni Manager Juls.

"Puntahan na lang kaya natin si Ezra bukas? Imbitahan na lang natin. After all, she's the owner of this place. We're lucky enough that she didn't kick us out from this place...yet." sabi ni direk.

"Are you sure direk?" pagtatanong at pagkaklaro ni Manager Juls.

"We will not know if we don't try. It's better to do something than to do nothing" saad naman ni Direk.

"Okay. Okay." pagsang-ayon na ni Manager Juls.

Kinabukasan...

Nakahiga na nakatihaya ngayon si Juno sa sahig na tiles ng kanyang bahay. May pilit na para bang inaabot o kinukumpuni sa ilalim ng lamesa sa sala niya, sa sofa set. Pawisan, kagat ang ibabang labi na para bang may pinangigigilan. Hanggang sa tagumpay siya sa kung anuman ang ginagawa niya o kinukuha niya. Bumangon siya, umupo ng saglit sa sahig at saka tumayo. Kumuha ng tuwalya at saka pinunasan ang pawisan niyang mukha. Umupo siya ulit pero ngayon ay sa sofa na. Chineck ang cellphone.

1 message: Magdalene

"Gustong-gusto kong puntahan ang Moon and Star na company na 'yan! How dare them to tarnish you."

Nagtype si Juno ng irereply

"I told you don't act..."

Hindi natapos ni Juno ang kanyang reply ng may kumatok sa pinto. Hindi agad tumayo si Juno at pinakinggan ulit kung may kakatok pa. Hindi na siya nagtataka kung sino man ito dahil alam naman niya kung sinong mga tao ang nasa lugar.

Malamang sa malamang ay crew ito ng nagfifilm/nagshoo-shoot sa lugar. Ng marinig ulit ni Juno ang katok ay tumayo na ito, sinilip para siguraduhin kung mga crew/staffs nga ba ito at saka niya nilakihan ng kaunti ang awang ng pinto.

"??" hindi umimik si Juno at hinihintay niya kung anuman ang sasabihin nila at kung anuman ang sadya ng mga ito.

"Hello. Magandang umaga." bati ni direk na may ngiti sa mga labi.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now