Before the Interview of Aim.
Hindi mapakali si Jigs ngayon, sa kung anuman ang gagawin ng kaibigan. Alam ni Jigs ang pangarap ng kaibigan niyang ito. Saksi si Jigs sa lahat ng paghihirap ni Aim, kahit noong mga panahong nagka-issue ito ay kita niya ang kagustuhan ni Aim na maayos lahat para lang hindi malayo sa kanyang pangarap.
(But what if Juno kill him?)
(Eh paano kung kausapin ko na lang kaya ng tuluyan si Juno?)
(Kawawa naman ang kaibigan ko kung sakali.)
(Fck! Kung hindi ako gagawa ng diskarte matatapos ng tuluyan ang pangarap ni Aim.)
(Sht! I hate this!)
(Paano ko ba pagkakatiwalaan si Juno kung ganun siyang tao. Sht! Aim will be slandered anytime soon!)
(No! No. I need to do it. I need Juno to pretend. But what if Juno will harm Aim?!)
Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ni Jigs noong nakaalis sila sa Aim sa kanyang pamamahay. Ayaw niyang mataya na naman ang kaibigan sa kaguluhan ng mundo. Ayaw niyang makitang umiiyak na naman ang kaibigan dahil lumalayo ang pangarap nito.
"I need to face my fears for asking Juno to pretend as Aim's girlfriend." sambit ni Jigs sa sarili habang tinitingnan niya ngayon ang kanyang cellphone.
"And I need to swallow my pride by calling first this fcking annoying Parrot." habol na sambit ni Aim.
Ini-dial ni Jigs ang number ni Maggie. Pagkatapos ng dalawang ring sa kabilang linya ay pinatayan siya ng cellphone ni Maggie. Hindi makapaniwala si Jigs sa ginawa ni Maggie, tiningnan ni Jigs ang kanyang cellphone.
"Fck you!" sigaw ni Jigs habang nakatingin sa cellphone.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Jigs. Si Maggie naman ang tumatawag ngayon sa kanya. Natuwa naman siya dahil tumawag pabalik si Maggie, hindi na niya kailangang lumunok ng iba pang pride na kina-iingat-iingatan niya. Pero bago niya pa sagutin ay ngumisi ito at pinatayan din ng cellphone si Maggie.
1 message: Annoying Parrot
[Nakakadisturbo ka! Kung wala kang magawa sa buhay, magpakalunod ka na lang sa tubig!"]
Napakunot naman ng noo si Jigs noong nabasa niya ang mensahe ni Maggie.
Bago pa man makalimutan ni Jigs ang kaibigan ay minabuti niyang lunukin na talaga ng tuluyan ang kanyang pride at idinial muli ang number ni Maggie.
"Pwede ba! Busy ako! Wala akong panahon sa'yo!" sigaw ni Maggie sa kabilang linya.
"Where are you?" tanong na malumanay ni Jigs pero ang totoo ay gusto niya rin talaga sumigaw.
"Bakit?! Ano na naman?! Isasali mo na naman ako sa kaeng-engan mo?!" pasigaw na naman na sambit ni Maggie.
"Look, I'm sorry if I misunderstood what happened, okay? I...I... I need your help right now, as in right now." pagsusumamo ni Jigs.
"Tungkol na naman saan?" medyo mababa na ngayon ang boses ni Maggie pero halata mong may taray pa rin.
"Aim is planning to tell the whole world right now that he was just lying about the girlfriend thing." umpisang paliwanag ni Jigs.
"What?! What is he thinking? People might slander him again! Above from that, tuluyan na siyang maaalis sa industriya na gusto niya!" pasigaw na naman na banggit ni Maggie.
"That's why I needed your help." sambit ni Jigs.
"Anong help na naman ang kailangan mo? Tapos ano? Baka misinterpretation na naman 'yan. Bibigwasan talaga kita, sinasabi ko sa'yo." sambit ni Maggie sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...