Halos dumaan na ang isang linggo. Habang abala si Juno sa pagbabasa ng libro, palinga-linga siya at naghihintay na tumunog ang kanyang cellphone. Wala pa ring tawag o text mula kay Aim.
"You sign for this, Ez. You love him, you better understand his hectic schedule." bulong-bulong ni Juno sa sarili.
"Boring." bulong ulit ni Juno sabay buntong hininga.
Naalala niya ang naging usapan ni Maggie at ni Jigs kahapon na tapos na ang pagsho-shoot nila Aim. May date na rin kung kalian ipapalabas ang series/drama. Hindi man aminin ay may kung anong naglaro sa kanyang isipan kung bakit hindi pa pinapaalam ni Aim sa kanya.
Inabot ni Juno ang kanyang cellphone na nakapatong lang sa lamesa, at tinawagan si Maggie.
"Mags..." sambit ni Juno.
"Miss me already?" pagbibiro ni Maggie.
"Ba't ka ba laging na kayna Jigs?" medyo maktol ni Juno.
"Ooohh." sambit ni Maggie na medyo nang-aasar.
"Bored?" habol na tanong ni Maggie.
"I wasn't like this, not until Sean." pag-amin ni Juno.
"He got busy schedule, at tsaka ano ka ba, para namang hindi mo alam na artista 'yang jowa mo."
"Alam mo ba kung nasaan si Sean ngayon? or baka alam ni Jigs...?" medyo mahinang tanong ni Juno.
"Kung hindi ako nagkakamali ay nasa company niya ngayon. Kung hindi ka busy ay di ikaw pumunta sa kanya. Why suffer when you can make way to see him, 'di ba?" sambit ni Maggie.
"It's just...I don't want him to feel that I'm bugging him. Ayaw kong makaabala sa kanya." sambit ni Juno.
"Hello?!! Ano ba ang tingin mo sa sarili mo? Fan niya? Staff niya? Should I remind you who you are? Hey! You are his girlfriend for Christ's sake." mahabang litaniya ni Maggie.
"You can go to him anytime you want; you can call and text him anytime you want." dugtong pa ni Maggie.
"Do you think is it okay?" medyo kapa na tanong ni Juno.
"Oo naman no!"
"Every time that I want to visit Matthias, every time that I'm missing him sumusulpot lang ako sa harap niya na parang kabute."
"You come without notice?" medyo taka at gulat na tanong ni Juno.
"Oo naman, hindi naman ako kung sino lang no." sagot ni Maggie.
"Kwin, listen to me...mahalagang tao ka sa buhay ni Aim. Hindi naman siguro siya magugulat kung bigla kang dadalaw o bibisita sa kanya ng walang pasabi." dagdag pa ni Maggie.
"Okay, okay." sambit ni Juno.
"So go to your lover now if you miss him, hindi yung ako ang inaabala mo." pagbibiro ni Maggie.
"Hahaha! Okay, thank you Mags."
Pagkababa ni Juno sa tawag ay nag-isip pa rin siya kung pupuntahan niya ba si Aim o hindi. Pero sa parehas rin na pagkakataon ay naiisip niya ang mga bagay na kakasabi lamang ni Maggie.
"Wala namang mangyayaring masama kung bibisitahin ko ang boyfriend ko." bulong ni Juno sa sarili at saka ngumiti at tumawa.
Pagkatapos ni Juno maligo ay chineck niya ulit ang phone niya kung may reply na si Aim o wala pa pero sa kasamaang palad hanggang ngayon ay hindi pa rin nase-seen ni Aim ang messages na sinent ni Juno.
Hindi na namili si Juno pa ng kanyang susuotin, kinuha niya ang kanyang racing suit, binabalak niyang pagkatapos bisitahin si Aim sa company nito ay magdederitso siya sa Racing Track para makasagap ng sariwang hangin kahit pa sabihing gabi na.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...