Pagkatapos kumain ay bumalik na ang apat sa kanya-kanyang hotel room. Habang naglalakad sa hallway ay magkasabay si Aim at si Jigs, si Juno naman at si Maggie ang magkasabay na nasa harapan.
"Nasa iisang kwarto lang kayo ni Aim?" bulong na tanong ni Maggie kay Juno.
Napatingin naman si Juno kay Maggie at saka umiling.
"Nasa iisang kwarto kami ni Jigs." sambit ni Maggie.
Nanlaki ang mata ni Juno at tiningnan ng masama si Maggie.
"Ikaw naman, di ka na mabiro." bawi ni Maggie ng makita niya ang reaksyon ni Juno.
Nasa halos padulo ang kwarto ni Jigs at ni Maggie, ang kay Juno naman at kay Aim ay nasa gitnang hallway.
"So, pano? See you tomorrow?" paalam ni Aim.
"Dito na rin ang room ko." sambit ni Juno ng pinihit niya ang door knob na kanyang tinitigilan.
"Okay bro, Juno, see you tomorrow." pagpapaalam na rin ni Jigs.
Lumakad na si Jigs, natigilan siya ng hindi sumusunod si Maggie sa kanya. Nakatingin ito kay Aim, titig na titig na para bang lalamunin niya ng buo si Aim ng wala sa oras. Itinuro ni Maggie ang sariling mata gamit ang dalawang daliri, pagkatapos nun ay itunuro niya si Aim na para bang sinesenyas ni Maggie na "I can see you."
"Magdalane." sambit ni Juno.
"Love, ano ka ba? Tara na!" hila ni Jigs kay Maggie.
Kahit naglalakad ito papalayo ay sinisipat niya pa rin si Aim at inuulit ulit ang gesture na ginawa niya kanina. Hindi maintindihan ni Juno kung matatawa ba siya o hindi sa inaasal ni Maggie.
"Your best friend is very protective of you." natatawang sambit ni Aim.
"I'll do the same to her." sambit ni Juno.
"Hoy! Pumasok na kayo sa mga kwarto niyo!" halos palahaw na sigaw ni Maggie na ngayon ay sinasaway naman ni Jigs.
Natawa naman si Juno at si Aim.
"Goodnight." sambit ni Juno kay Aim.
"Goodnight, Ezra."
Pagkatapos nun ay pumasok na si Juno sa kanyang kwarto, ganun rin naman si Aim.
Kinabukasan ay maraming ginawa ang apat, talagang inenjoy nila ang kanilang bakasyon. Volleyball, snorkeling, diving, speed boat. Halos puro saya lang ang makikita sa mga mukha ng apat. Hanggang sa sumapit na ang hapon, nakaupo silang apat sa buhanginan kaharap ang dagat at sabay-sabay pinagmasdan ang bukang liwayway.
Pagkabalik ulit nila sa kanya-kanyang room, ay kanya-kanyang din silang pahinga at tulog dahil sa pagod. Si Aim ay tulog sa kanyang kwarto, si Jigs naman ay nasa kanyang kwarto. Si Maggie naman ay piniling sumama na lang kay Juno sa kwarto nito na ngayon ay tulog sa kama. Si Juno naman ay nag-aayos na ng kanyang mga gamit.
Si Juno lang ang tanging gising sa apat. Tinitingnan niya ngayon ang mga pictures na nasa kanyang cellphone. May mga picture silang apat, may mga picture na silang dalawa ni Maggie, may mga picture na silang dalawa ni Aim. May mga picture din ng sunset, sunrise at ng dagat. Ng maayos na ni Juno ang kanyang mga gamit, ay naisipan niya na rin na ayusin ang kay Maggie.
"You brought too much things." bulong ni Juno pero tuloy pa rin naman ang pag-aayos.
1 message received:
From: Sean
--Are you awake? ^_^ May I go there?
To: Sean
--Awake but Maggie is here. :p
Sent.
To: Sean
--Open the door.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfikceMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...