Lumipas ang isang araw at bumalik na ulit sa normal ang klima ng panahon. Dalawang gabi natulog ang mga ito sa bahay ni Juno. Si Maggie at si Jigs naman ay umuwi din kinagabihan noong pagpunta nila sa Mt. Silvanus.
Habang inaayos ang mga gamit ay tumulong rin si Juno sa pagbuhat ulit papalabas sa kung anuman ang gagamitin. Hangga't walang nalalaman si Juno tungkol sa interview ay walang dapat ipangamba sila Direk at si Manager.
Minsan naman naiisipan ni Manager na banggitin na kay Juno ang nagawa ni Aim, ang kaso napapaatras siya kapag naiisip na papalayasin sila ni Juno sa lugar kung sakali. Nababagabag kasi si Manager, matapos ng lahat, matapos ng lahat na tulong ni Juno sa kanila. Umpisa pa lang sa pagpapagamit sa lugar na walang bayad. Sa pagpost ng alaga kay Juno sa social na buti na lang ay blurred ang mukha. Sa pagtulong ni Juno para hindi sila mabagyo ng tuluyan.
Hindi nila ngayon kailangan maghabol ng oras pero kailangan pa rin nila ng maraming scene para kung malaman man ni Juno kung sakali ay hindi na sila maghahanap pa ng ibang lugar na katulad ng kay Juno.
Habang nag-aayos at isa-isang nilalabas ang mga gamit na pang-shooting papunta sa pick-up truck ay tinitingnan ni Juno ang iba.
"Direk, ba't hindi na lang kayo dito sa malapit magshoot?" tanong ni Juno.
"Naku, baka kasi makaabala kami. Tsaka medyo malapit sa bahay mo, baka mainis ka sa sigaw ko at sa mga magiging ingay." sagot naman ni Direk.
"Lagi akong wala. Okay lang kahit dito na lang sa malapit, para malapit lang din kayo sa highway." sambit naman ni Juno.
"Juno, sigurado ka ba na okay lang?" paniniguradong tanong ni Manager.
"Nahihiya lang siguro si direk sa'yo pero nagbalak kaming mag-shoot sa lugar na malapit dito, 'yung side na iyun mismo." pagpatuloy ni Manager habang may tinuturo na area sa lugar.
"Kaso pinagbawalan kami ni direk kasi malapit daw ito sa bahay niyo po." sabat ng isang crew habang may binubuhat na gamit at inilagay sa trunks.
"Huwag kayong maingay." nahihiyang saad ni direk.
"Direk it's okay. Just take it as I want you to look out the house." sambit ni Juno.
"Yiiieeee makakapag-shoot na si direk sa desire niyang area." pagbibiro ng crew ni direk sa kanya.
"Then what are you doing? Get that thing down in that truck, dito na rin tayo magse-set ng tent." masayang sambit ni direk.
Makikita naman ngayon sila Aim at ang mga staff nito na papalabas pa lang sa bahay ni Juno.
"Juno, we're already done. You can now lock the house. Nilinis din muna nila Ate Linda ang mga iniwang kalat namin." nahihiya na sambit ni Aim na halata mong pilit ang pakikipag-casual na salitaan kay Juno.
Tumango lang si Juno sa kanya at saka naglakad patungo sa bahay. Pumasok muna ito sa loob.
"Why are you putting the things in the ground again?" pagtatakang tanong ni Aim sa mga crew na nagbababa ng gamit panimula sa trunks ng pick-up truck.
"We are setting our tent here. And this is the very right place for the next scenes that we will do." proud na sambit ni Direk.
"We should inform Juno first, it's near in her house." sambit ni Aim.
"I already allowed them." singit ni Juno na naglalakad na malapit na pala sa kanila ngayon, naka-pink naman ito na hood ngayon.
"I will go first Direk, Manager." pagpaalam na ni Juno at ng Matapos sambitin ang salitang Manager ay tumingin si Juno sa grupo ni Aim at tinanguan ang mga ito, sinasabi ng tangong ito na uuna na siya. Tinanguan din naman siya ni Aim.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...