Chapter 33 Don't rub a salt to a wound that is not yet healed.

7 0 0
                                    

Nung nagring ang phone ni Aim dahil tumatawag si Direk ay medyo lumayo si Juno. Binigyan niya ng privacy si Aim para hindi marinig kung anuman ang usapan nila. Ipinark na lang muna ni Juno ang kanyang motor at umupo sa bench.

Habang nakaupo ay napapatitig siya kay Aim, nagpapaikot-ikot ng kanyang singsing, pinag-aaralan ang bawat galaw ni Aim na palakad-lakad. Hindi naman ito kita ni Aim kasi nakatalikod siya. Tinitingnan ni Juno ang bawat galaw ng balikat ni Aim. Ng matapos makausap ni Aim si Direk ay pumunta siya sa bench kung nasaan naroon si Juno.

"Is someone here ditching his work?" pagbibiro ni Juno pero hindi nawari ni Aim na nagbibiro ito dahil seryoso ang mukha.

"Anong meron sa'yo?" tanong ni Aim habang umuupo sa tabi ni Juno pero may kalayuan.

"Mn.?" takang tanong ni Juno.

"I mean, Direk scolding me non-stop, he almost break my eardrum. Then I told him that I'm here...and that I'm with you." sagot naman ni Aim.

"Tapos bigla siyang huminahon noong sinabi ko sa kanya na kasama kita. He is like he's in pain, then you're a morphine, reducing the pain." pagpatuloy ni Aim na medyo natatawa habang sinasabi ito.

"Sometimes I'm pain in the ass." medyo tawang sambit din ni Juno.

Sa tuwing natatawa o napapangiti si Juno ay hindi mapigilan ni Aim na mapatitig. Bukod sa hindi siya sanay na ganito ito, ay hindi din siya sanay na nakakausap ito ng deri-deritso lang. Hindi naman napansin ni Juno na nakatingin si Aim sa kanya, nakatingin kasi ito sa kalawakan ng racing track.

"Masarap ba mag-race?" tanong ni Aim para hindi manatili ang katahimikan.

"Walang lasa." pagbibiro ni Juno.

"Pffft." pagpipigil na tawa ni Aim.

Napapangiti naman si Juno sa sarili niyang sagot.

"I don't know, it giving me satisfaction. I can't explain what kind of satisfaction." seryosong sagot na ni Juno.

"Whenever I drive, it just me and the whole world revolving around me." pagpatuloy ni Juno.

"Matagal ka ng nagre-race?" tanong ni Aim.

"Years." tipid na sagot ni Juno.

"Is it okay to ask more?" tanong naman ni Aim.

"Go ahead." sagot ni Juno.

"You can use some of my answers as information if ever you will have an interview again. After all, I'm your girlfriend." pahabol na sambit ni Juno na nagbibiro lang naman pero hindi halatang nagbibiro.

Unti-unting namumula ang mukha ni Aim, pati na rin ang kanyang tainga. Hindi inasahan ni Aim ang sasabihin ni Juno na ito.

"In front of the curtain, I am your girlfriend." pagklaklaro ni Juno na nahalatang medyo na-tense si Aim.

"Ah hehe. Yes. Showbiz girlfriend, not real girlfriend." medyo awkward na sambit ni Aim.

"Mn." tipid na sagot ni Juno.

May kung anong naramdaman si Aim na hindi mawari, parang ayaw niya sa salita huli niyang sinabi. Pero kahit ganun ang pakiramdam niya, ay hindi maitatanggi ang katotohanan na non-existent ang relasyon nila ni Juno. Na palabas lang ang relasyon nilang dalawa.

Habang naghihintay na may umimik sa dalawa ay biglang napatingin si Juno sa gawi ni Aim. Napansin nito ang kaliwang kamay ni Aim, malapit sa pulsuhan. May malaking peklat na pahaba. Habang tinitingnan ni Juno ito ay nagpapaikot-ikot na naman siya ng kanyang singsing ng palihim. Napansin ni Aim ang tingin ni Juno. Itinaas ni Aim ang kanyang kaliwang kamay. Ipinapakita ng malapitan kay Juno ang peklat.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now