Chapter 35 An Alien's Plate

4 0 0
                                    

Hindi na namalayan ni Juno ang oras, nakatulog na pala siya. Napatingin siya sa bintana malapit sa balkonahe, madilim na pala, gabi na. Bumangon si Juno sa kanyang hinihigaan, pumunta sa lamesa kung saan pinatong niya ang cellphone kanina.

2:38AM, hindi na gabi, kundi madaling araw na. Binuhay ni Juno ang ilaw sa may malapit ng kanyang balkonahe, kinuha ang electric stove na ginamit ni Maggie noon, noong nagluluto si Maggie. Kumuha sa ref ng hotdog at saka ito prinito. Nagtadtad din siya ng mga kung ano-anong gulay at saka ito ginisa. Habang ginagawa ang pagluluto ng ulam ay may sinalang na rin siyang sinaing.

Pagkatapos lahat ng pagluluto ay prinepara niya sa lamesa ang kanyang mga kakain. Walang ingay ang paligid, kung may mahuhulog man na karayom ay maririnig mo. Tahimik lang na kumakain si Juno, hindi pa siya tapos sa pagkain ay pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig, pagkatapos kumuha ay bumalik ito sa lamesa.

Napapaisip si Juno kung umuwi o nakabalik na ba si Maggie, gusto niya sanang tawagan kaso pinigilan niya ang sarili niya ng maisip niya na baka natutulog na ito at baka makadisturbo pa. Pagkatapos kumain ay niligpit na rin niya ang kanyang pinagkainan, naghugas na rin deritso ng mga pinggan at kanyang mga nagamit sa pagluluto.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa sa parang kusina ay bumalik na si Juno sa kanyang kama pero hindi agad ito humiga. May kinuha siyang libro sa katabing kama, pagkaabot niya sa librong ito ay lumipat naman siya sa sofa, kinuha niya rin ang kanyang salamin at sinuot ito. Ngayon ay nag-uumpisa na siyang magbasa.

Halos matapos na ni Juno ang libro na kanyang binabasa, hindi niya namalayan na nakatulog ulit siya. Nagising siya sa sinag araw na dumadampi sa mukha niya. Bumangon si Juno at lumipat sa kanyang kama. At sa kanyang kama ay pinagaptuloy niya ang naudlot niyang tulog.

Hindi pa ulit nakakatagal ng pikit ng mata si Juno ay nagring ang telepono niya. Hindi niya alam ngayon kung sasagutin niya ba o hindi dahil tinatamad siyang bumangon at tinatamad rin siyang pumunta sa lamesa pero naisip niya na baka mahalaga ang pakay ng tumatawag kaya kahit tinatamad ay pinilit niya pa rin ang sarili niya.

Walang ibang ineexpect na tawag si Juno maliban na lang sa kanyang pamilya sa US, number ng Racing Team manager niya, at si Maggie. Halos sa mga taong ito lang umiikot ang mundo ni Juno. Walang iba.

Si Maggie ngayon ang tumatawag. Himala namang hindi agad umimik si Juno at hinihintay lang na magsalita si Maggie.

"Gising ka na?" bungad ni Maggie.

"Hindi pa." sagot naman ni Juno.

"..."

"Hindi nga? 'yung totoo?" seryosong tanong ni Maggie.

"Bakit?" tanong naman ni Juno pabalik.

"Para pupunta na ako diyan." sagot naman ni Maggie.

"Okay." sagot naman ni Juno.

Si Juno na ang nagbaba ng linya. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay may kumakatok na sa pintuan ni Juno. Napakunot ng noo si Juno kung bakit kailangan pa nitong kumatok, eh may duplicate nas susi naman ito ng kwarto ni Juno. May kung anong kapilyhan ang pumasok sa utak ni Juno at hindi ito pinagbuksan. Mga sampung minuto ang nakalipas ay sumuko si Maggie at tuluyang sinusian na ang door knob.

"Nakakainis ka! Ba't ba hindi mo agad binuksan?!" medyo sigaw ni Maggie.

"It's early to raise a voice Magdalane." sambit naman ni Juno.

"Okay, okay, sorry." paghingi naman ng paumanhin ni Maggie.

"Nabasa mo na ang article tungkol sa Racing Game?" tanong ni Maggie na ito talaga ang sinadya kung nasa harapan siya ni Juno ngayon.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now