Chapter 45 Who is Maggie?

4 0 0
                                    

Dali-daling naglakad si Aim pababa, at sa baba ay nakita niya si Jigs na nakaabang na sa may hagdan. Pagkakita niya kay Jigs ay kita rin sa mga mata niya at sa mga tingin niya na hinahanap niya si Maggie. Nandun pa rin naman si Maggie sa may sofa katabi si James, nakikipagkuwentuhan pa rin na para bang wala lang sa kanya na nasa iisang building lang sila ni Jigs ngayon.

"Bro!" medyo awkward na bati ni Aim na para bang siya ang naiilang ngayon sa sitwasyon ni Jigs at ni Maggie.

Naglakad ngayon ang dalawa papunta malapit sa may information deck at saka umupo sa upuan, ngayon ay magkatabi ang dalawa pero medyo may agwat at nakaharap sa isa't isa.

Sinamantala naman ni Juno ang pagkakataon para umupo sa sofa kung saan nandun si Maggie at mga nagkukumpulang staff at talent/trainee ni Aim.

"You don't have a shoot today?" tanong ni Aim para hindi gaano mafocus ang atensyon ni Jigs kay Maggie.

"Meron, pero mamayang pagabi pa. Hindi available ang direk namin at 'yung Manager ko." sagot naman ni Jigs.

Hindi umimik si Aim at medyo namutawi ang katahimikan, napatingin si Jigs sa kanyang kaibigan na ngayon ay nakatingin kay Maggie.

"Relax, will you?" sambit ulit ni Jigs.

"Hmm?" na para bang nabigla si Aim.

"I won't cause a scene here like what she did before." sagot naman ni Jigs na medyo mahina ang boses.

"Mukha rin namang walang balak si Maggie na pansinin ka." sambit naman ni Aim.

"Tss." bulong ni Jigs na may pag-irap pa ng mata at saka tumingin sa gawi ni Maggie.

"Hmm? Hindi ko napansin na nandito pala si Juno." sambit ni Jigs.

"Baka kasi napafocus ka lang sa taong gusto mong makita." pagbibiro ni Aim.

"Stop it." saway naman ni Jigs sa kanyang kaibigan na halatang mapipikon kung ipagpapatuloy pa ni Aim ang kanyang pagbibiro.

"Okay. Okay, you relax too." sambit naman ni Aim.

"Why are they here anyway?" tanong ni Jigs.

"Ah, ah, Juno and I might have an interview again...but...but...it's not sure yet. So naisip namin na magrehearse para tugma ang sinasabi namin." medyo utal na sagot ni Aim.

"Okay 'yang naiisip niyong 'yan. After all, hindi naman tototong magboyfriend/mag-girlfriend kayo eh. Hahaha. Baka mamaya niyan ay mapansin pa kayo ng mga tao kung bakit magkaiba ang sinasabi niyo." sambit naman ni Jigs.

Kung alam mo lang Jigs.

"..." napa-poker face si Aim pero binawi niya din.

"Oo nga eh. Hehe." pagsang-ayon na lang ni Aim.

"Do you want to talk to her? To apologize?" tanong ni Aim kay Jigs.

"I mean to Juno." pahabol ni Aim.

"Maybe later, kapag wala na siyang madaming kasama at kapag hindi na niya kasama si Parrot." sagot naman ni Jigs.

"They're like a package Matthias. And you know that Magdalene is Ezra's friend, best friend." sambit ni Aim.

"This is not about Parrot, this about me, and me asking forgiveness of Juno." sagot ni Jigs.

Alam ni Aim na kapag gumaganito si Jigs ay hindi na siya mananalo kapag makikipagtalo pa siya kay Jigs. Alam at kilala ni Aim kung paano maging firm si Jigs sa kanyang mga salitang binibitawan, hindi rin maipagkakaila na alam ni Aim kung gaano kataas ang pride ni Jigs.

"Okay, okay." pagsuko na lang ni Aim sa sinabi ni Jigs.

Natigilan si Aim at si Jigs ng marinig nilang nagtawanan ng malakas ang mga tao na nasa sofa kahit si Juno ay humahalakhak din ng tawa, pati na rin si Maggie na sobrang namumula at hawak hawak ang tiyan na halos hindi na makahinga sa pagtawa.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now