Pagkarating ni Juno at Maggie sa Galaxy Hotel ay nagderitso muna sila sa kwarto ni Maggie. Mas minabuti ni Juno na samahan muna ang kaibigan. Habang naglalakad ang dalawa papunta sa kwarto ni Maggie ay may nakita silang lalaki na naka-abang sa kwarto ni Maggie na may dalang package. Napatingin si Juno kay Maggie na nakatulala habang naglalakad, halatang malalim ang iniisip.
"You ordered something?" tanong ni Juno na nakapagbalik ulirat kay Maggie.
"Hm? Ha?" tanong ni Maggie.
Tuimingin ulit si Juno sa lalaki na nasa harapan ngayon ng pintuan, sinundan naman ng tingin ni Maggie ang tingin ni Juno. Nagtama ang tingin ng lalaki at ni Maggie. Sinalubong ngayon ng lalaki ang naglalakad na magkaibigan.
"Maria Magdalene Walker po?" tanong ng lalaki.
Nagtinginan si Juno at si Maggie.
"Sinong pong hinahanap niyo Kuya?" tanong ni Maggie na siyang ipinagtaka ni Juno.
"Pinapadala po sa akin itong package ng mother ni Ma'am Maria. Phone daw po." sagot naman ng lalaki.
"Ahhh okay." sambit naman ni Maggie.
"May ID po ba kayong mapre-present na kayo si Ma'am Maria?" tanong ng lalaki.
Natatawa si Juno kada-sambit ng lalaki na "Maria."
"Yes, she's Maria." napapaumis na salita ni Juno.
Hinanap ni Maggie sa kanyang bag ang ID at ipinakita ito sa lalaki.
"Kayo nga po pala talaga si Ma'am Maria."
"Opo Kuya, ako nga po si Maria." mahinahong banggit ni Maggie na tila ba wala ngayong pakialam sa kung anuman ang tawag sa kanya.
Inabot ng lalaki ang package na dala at pagkatapos ay nagpaalam na.
"Salamat Kuya." habol ni Maggie.
Pumasok na si Maggie at si Juno sa kwarto ni Maggie. Kung kanina ay masaya si Maggie noong nasa company sila ni Aim, kabaliktaran naman ngayon. Walang gana. Tinatamad. Hindi nakikipagtalo. Pagka-pasok nila ay agad na itinapon ni Maggie ang kanyang sarili sa kama. Hindi na rin siya kinulit ni Juno. Si Juno naman ay umupo sa sofa, hindi maintindihan kung naglalaro o nagta-type lang ba sa cellphone nito.
"Likas na mabait si Aim kaysa kay Skunk na 'yun." biglang salita ni Maggie.
Natigilan na naman at napatingin si Juno sa kinahihigaan ni Maggie.
"Hindi lang siguro kayo magkahulihan ng ugali ni Jigs." sagot naman ni Juno.
"Hindi magkahulihan? O talagang masama lang sadya ang kanyang ugali?" sambit naman ni Maggie.
"Based on my observation, mabait si Jigs, there are just times that he's childish." sagot ni Juno.
"There are times?? or sadyang childish talaga?" tanong ni Maggie na hindi ngayon maunawaan ni Juno.
"You're childish too." sagot ni Juno.
Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Maggie.
"Anyway, from this moment on, wala na akong kilalang Jigs Matthias Buenaventura." sambit ni Maggie.
"Bagay kayo." sambit ni Juno habang kinkutingting pa rin ang cellphone.
"Tsss." Pagtanggi naman ni Maggie.
Napatingin ngayon si Maggie sa gawi ni Juno na ngayon ay doble na ang pagtataka kung bakit malimit ito gumamit ng cellphone ngayon. Nagsalubong ang kilay nito at nanliit ang mata.
"May boyfriend ka na?" biglang tanong ni Maggie.
Natigilan naman si Juno at malumanay pero dahang-dahang tumingin kay Maggie.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...