Chapter 75 If you dare to fly, you can now fly high.

13 0 0
                                    

Kinabukasan pagkagising ni Juno ay hinanap niya agad si Aim sa tabi niya, nagpalinga-linga ito ng wala na naman Aim siyang nakikita.

"Looking for me, love?" sambit ni Aim na may bitbit na nasa bowl na champorado.

Bumangon si Juno at tila nabunutan ng tinik ng makita na si Aim.

"Mn." Sagot ni Juno, sabay sandal sa kanyang bed board.

"I am not going anywhere." Malambing na sambit ni Aim kasama ang matamis na ngiti at nakakatigil mundo na tawa.

Tumigil ang mundo ni Juno ng makita ang ganitong ekspresyon ni Aim. Tila ba ang liwanag galing sa sinag ng araw ay minamahal si Aim, ang mga mata nito na lumiliit dahil sa mga ngiti, ang matangos nitong ilong, ang mapula nitong labi na bakas pa rin ang pinagkagatan ni Juno kagabi.

"I'm sorry." Biglang sambit ni Juno ng mapansin ang mapulang pinagkagatan niya kagabi.

Natawa si Aim, namula at kahit tumatawa ay halatang medyo nahihiya.

"Sorry, for what?" sambit ni Aim na medyo nag-iinit ang tainga.

Tinuro ni Juno ang kanyang sariling labi habang nakatingin sa labi ni Aim.

Lumapit si Aim sa gawi ni Juno. Inilagay ang hawak na pagkain sa maliit na lamesa na katabi lang ng kama ni Juno. Inilapit ni Aim ang kanyang mukha habang tinuturo ang sariling labi.

"Kiss me." Bulong ni Aim habang turo-turo ang labi.

"....?" Medyo mulat ni Juno ng mata.

"Kiss me." Medyo paos na boses na sambit ni Aim.

"...." iling at hiya ni Juno.

Tinuro ulit ni Aim ang kanyang labi, hinawakan niya ito ng mapansing nakatitig si Juno dito. Kitang-kita ni Aim ang sunod-sunod na paglunok ni Juno. Inilapit ni Aim ang kanyang bibig sa tainga ni Juno na siyang ikinatayo ng balahibo sa batok ni Juno.

"This is the kind of view I want when I wake up early in the morning in the future. Every morning when I wake up." Bulong ni Aim.

Saka lang napagtanto ni Juno na nakahawak siya sa puting kumot, tinatakpan ang sarili. Medyo gulo-gulo ang buhok pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan.

Akmang tatayo sana si Juno at aalis sa kama, pero hinila siya pabalik ni Aim. Napatingin si Juno kay Aim ng makaupo na ulit siya sa kama, sa palagay niya ay hindi titigil si Aim hangga't hindi nito nakukuha ang ninanais. Hinalikan ni Juno si Aim ng mabilis, akmang tatayo na sana ulit si Juno ng hilahin siya ulit ni Aim.

"... What?" tanong ni Juno.

Tinitigan ni Aim si Juno, nakangiti. Binabaybay nito panimula buhok hanggang labi.

"I'm so lucky." Sambit ni Aim.

"Mn." Wala sa sariling sang-ayon ni Juno.

"I miss you so much." Sambit ni Aim na kagabi at ngayon lang nilabas ang pangungulila kay Juno.

Nilapit ni Juno ang kanyang mukha sa mukha ni Aim.

"You've been inside me, thrusting non-stop last night, almost until dawn. Shut up." Bulong ni Juno.

Halos napatawa si Aim sa binitawang mga salita ni Juno. Habang si Juno naman ay unti-unting humihiga para makalusot at makaalis sa bisig ni Aim.

"Where do you think you're going?" sambit ni Aim at saka hinila ulit si Juno dahilan kung bakit napahiga ulit si Juno sa kama at nasa ilalim na naman siya ni Aim.

"To put some clothes...?" sagot na halos patanong ni Juno.

"Why?"

"Because I don't have one?" tanong ni Juno bilang sagot.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now