Chapter 41 Uncontrolled Anger

4 0 0
                                    

Kagaya nga ng inaasahan nagderitso ang lahat sa Mt. Silvanus para doon ay mag-celebrate ng pagkapanalo ni Juno at ni Jigs. Sunod-sunod silang nagdatingan sa lugar, ang iba ay may mga bitbit na pagkain, ang iba naman ay may bitbit ding inumin. Si Juno ay naglabas ng mga silya na galing sa loob ng kanyang bahay. Si Aim naman ay lumabas mula sa tent kinuha ang gitara, maging ang organ na rin.

Ng makita niya si Juno na may binubuhat itong mga silya ay nagpresenta si Aim na siya na ang maglalabas, tinanguan siya ni Juno pero nagderi-deritso pa rin si Juno sa pagbuhat at paglabas ng mga silya na bitbit.

"Juno, pwede bang mag-ingay dito?" tanong ni Manager kay Juno habang binababa ni Juno ang mga silya.

"Lagi naman po tayong nag-iingay." natatawa na sambit ni Juno.

"Ibig kong sabihin, 'yung magsayahan, ganun hehe. May mga kakanta, mag gigitara." sambit ni Manager Juls.

"Paano po matatawag na selebrasyon kung hindi tayo mag-iingay at magsasaya Manager?" nakangiting saad ni Juno.

"Hahahaha. Oo nga naman." sambit ni Manager Juls na napailing-iling na lang sa sarili.

"Siya siya, tulungan na kitang mag-ayos niyang mga gamit. Ano bang mas maganda? Pabilog o ano?" tanong ni Manager habang tinatanggal isa-isa ang mga nakapatong-patong na upuan.

"May mahabang lamesa po, pero depende na po kung paano ang mga posisyon na gagawin nila." sagot naman ni Juno.

Ng mailabas na ang mahabang lamesa sa tent ay sinandal ni Aim ang gitara sa paa ng lamesa at ang organ naman ay pinatong niya sa lamesa. Ang iba naman ay nilagay na ang mga pagkain at mga inumin. Ang iba ay nagkukuwentuhan, masayang tumatawa, hindi maiwasan ni Aim na hindi mapangiti. Sobrang tagal na rin noong huli siyang makaranas ng ganito.

Napatingin si Aim sa gawi ni Juno, naglalakad ulit ito ngayon papasok sana ulit sa bahay kaso tumigil ito na para bang may tinitingnan. Napatingin si Aim kung saan nakapaling ang ulo ni Juno, at sa direksyon na 'yun ay makikita ang isang Maggie at isang Jigs na nagkukuwentuhan. Natuwa si Aim dahil sa wakas ay magkasundo na ngayon ang dalawa kahit papaano.

Ng maayos na ang lahat na paghahanda ay nag-umpisa ng magkainan at magtawanan ang mga tao ngayon sa Mt. Silvanus, halos tipon-tipon at kumpol kumpol ang mga tao. Masayang nagkukuwentuhan, nagtatawanan at nagbibiruan. Kumpleto lahat ng tao, mga crew, si Direk, si Manager, si Aim at ang mga staffs niya, si Jigs, si Maggie at si Juno, pati na rin sila Aya at ang iba pang mga artista na kasama sa drama. Hanggang sa unti-unti ng lumalalim ang gabi.

"Maglaro tayo! Maglaro tayo!" masayang pang eengganyo ni Manager Juls.

"Spin the bottle!" sigaw ni Direk na sobrang saya habang hawak hawak ang bote ng alak na ngayon ay wala ng laman.

"Oh lapit kayo, lapit!" masayang pag-anyaya ni Manager sa mga kasamahan ngayon sa Mt. Silvanus.

"Ganito, spin the bottle, at kung sino ang matatapatan ng bote ay truth or dare ang mangyayari." sambit ni Aya na halata sa mukha na masaya.

"Sige sige! Hahahaha." pagsang-ayon naman ng iba.

Pinaikot ni Direk ang bote, ang iba ay nagkakantiyawan na at naghihiyawan habang unti-unting dumadahan ang ikot ng bote hanggang sa tumigil na ito.

"Kuya! Hahahaha!" sigaw ni Direk sa kanyang crew kung saan napatapat ang bote.

"Truth or dare?" tanong ni Direk.

"Truth." sagot naman ng crew.

"Anong hindi mo makakalimutan na nakakatawang pangyayari sa buong buhay mo?" tanong ni Direk.

"Noong napagkamalan ng asawa ko na may kabit ako hahaha, naglalakad kami ng kapatid ko pauwi ng bahay, akala ni Misis kung sino, nakasunod kasi siya sa likod kaya hindi niya kita, bigla ba namang sinabunutan. Lalaki ang kapatid ko, mahaba lang ang buhok." natatawang sagot ng crew ni Direk.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now