Pagkatapos ng nangyari ay walang nangahas na manatili muna sa Mt. Silvanus. Pagkauwi ni Direk sa kanyang probinsya ay umuwi na rin muna ang crew at mga celebrities. Pero ang mga ibang gamit naman na pang-shoot ay nasa lugar pa din.
Katulad ng sinabi ni Aim ay bumalik muna siya sa Moon and Star Company. Ginugulo siya ng utak niya sa nangyari. Minsan ay hindi siya pinapatulog sa gabi, may mga oras din na gusto niyang i-chat si Juno kaso hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Napapaisip si Aim kung nagkamali ba siya o hindi. Pero alam niya sa sarili niya na galit si Juno.
Bumangon si Aim sa pagkakahiga sa kanyang kama, umupo siya ngayon sa tabihan at tiningnan ang painting na nakasabit sa kanyang dinding. Nilapitan niya ito, tinitingnan at saka nagbuntong hininga. Ng matapos niyang pagmasdan ang larawan ay bumaba na siya sa first floor ng kanyang company.
"Boss!" sigaw ni James ng makita si Aim na pababa ng hagdan.
"Nagpalit ka naman ng kulay ng buhok mo?" tanong ni Aim kay James.
"Astig kasi ng kulay hehe." ngising sagot ni James.
"Baka makalbo ka niyan." sambit naman ni Aim.
"Hindi po, matibay naman po ang buhok ko." sagot naman ni James.
"Nga pala boss, ba't wala ang girlfriend mo ngayon?" tanong ni James.
"..."
"Ikaw na bata ka, magpractice ka na doon sa taas, huwag mong kinukulit ang boss mo!" saway ni Ate Ayds kay James.
"Nagtatanong lang po eh." nakanguso at habang kumakamot sa ulo na sambit ni James.
"Sige na, magpractice ka na doon." sambit ulit ni Ate Ayda.
Ng makaalis na si James ay umupo si Aim sa upuan malapit sa information deck.
"Nabanggit sa akin ni Ate Linda mo ang nangyari." unang pag-open ni Ate Ayds.
"Oo nga po eh." sambit naman ni Aim.
"Eh hindi naman ba nagkaroon ng issue?" tanong ni Ate Ayds.
"Tungkol po sa picture nila Jigs o tungkol po sa amin ni Juno?" pagklaklaro at pagtatanong ni Aim.
"Parehas." sagot naman ni Ate Ayds.
"Ewan ko po, bigla naman pong humupa ang nangyari. Hindi ko po alam kung paano nagagawan po ni Juno ng paraan." sambit naman ni Aim.
"Hindi pa rin kayo nag-uusap buhat noong mangyari 'yun?" tanong ni Ate Ayds.
"Hindi pa rin po." pagkibit balikat na lang ni Aim.
"Kailangan niyo pa rin magbati, matapos ng lahat ay siya ang tumutulong sa inyo." sambit ni Ate Ayds.
"Oo nga po eh." pagsang-ayon naman ni Aim.
"Wala kang endorsement ngayon?" tanong ni Ate Ayds.
"Tapos na po kahapon, next week po ang kasunod." sagot naman ni Aim.
"Iniwan po ba ni Kuya Danny ang susi ng sasakyan?" tanong na rin ni Aim.
"Oo. Ito oh." inabot naman ni Ate Ayds ang susi.
"May lalakadin ka?" tanong ni Ate Ayds.
"Gusto ko lang po magmananeho at magpunta kung saan-saan. Wala po akong magawa ngayon." sagot naman ni Aim.
"Mag-iingat ka ha." pagsang-ayon na lang din ni Ate Ayds sa kanyang alaga.
"Opo Ate." sagot naman ni Aim.
Kumuha lang si Aim ng gray na jacket at mask at saka ulit bumaba, naglalakad na ngayon patungo sa kanyang sasakyan.
Sa Galaxy Star Hotel.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...