Medyo malalim na ang gabi, hindi makatulog si Juno. Naglalaro ang utak niya at paulit ulit na sumasagi sa isipan niya ang labanan na nangyari kanina. Nakatulala habang nakatingin sa kisame, hanggang sa nagpasya siyang bumangon at kumuha ng beer in can sa ref.
Umiinom si Juno pero hindi naman ito lasinggera, depende sa okasyon at sa pagkakataon ang kanyang pag-iinom. Nasa isip niya na baka matutulungan siya ng alak makatulog. Noong una ay nakaupo lang si Juno sa lamesa, maya-maya pa ay hinawi niya ang kurtina papunta sa may balkonahe.
Kung kanina ay puro usok, traffic ang nakikita ni Juno, ngayon naman ay isang siyudad na puno ng ilaw. City Lights. Kitang-kita rin ang mga bituin na nagkikinangan sa ulap.
"It's pretty in the dark. The darker the night, the brighter the light" bulong ni Juno sa kanyang sarili habang nakatulalang nakatingin sa mga bituin sa ulap.
Ngumiti si Juno ng mapait sabay inom ng kanyang beer na hawak. Pagkatapos inumin ng isang deritso ang kanyang beer ay tumingin ulit siya sa ulap, ngayon ay may luhang dumadaloy na sa kanyang mata. Umiiyak at mapait na ngumingiti.
5 years ago...
Madilim na ang gabi.
"Sige lang, ideretso mo lang. Deritso ang tingin Kwin! Huwag sa kalsada ang tingin mo. Okay okay, deri-deritso, dahan-dahan, ayan naaaaa! Hooooo! Nababalance mo na!!." masayang sambit habang tinuturuan ni Fielle si Juno kung paano magbalance at paano dalhin ang malaking motor.
Mabilis lang natuto si Juno bukod kasi sa nagmomotor na sadya ito ay nanunuod din ito ng mga techniques sa internet. Nasa racing road silang dalawa. Masaya silang nagkakarerahan. Inalalayan ni Fielle si Juno pababa ng motor.
Umupo sila sa kalsada at para bang wala na silang pakialam sa mundo basta ang alam nila ay nasa piling sila ng isa't isa. Bakas sa mga mukha nila na wala na silang mahihiling pa. Nakaupo sa semento si Juno habang sa Fielle naman ay nakahiga. Nakalagay ang ulo ni Fielle sa hita ni Juno na para ba itong ginawang unan.
"Nakikita mo 'yung sign-age na 'yan?" tanong ni Fielle habang tinuturo ang sign-age na arrow sa tabi ng racing road.
"Hmm.." sagot naman ni Juno.
Tumayo si Fielle at kinuha sa bulsa ang permanent marker na pula. Tumakbo siya papunta sa sign-age na tinuro niya at ginuhitan ito ng hugis puso. Nanlaki ang mata ni Juno sa ginawa ni Fielle.
"Fielle! That's illegal! Hahahaha. Baka may makahuli sa atin dito!" sigaw naman ni Juno na nasa gitna ng kalsada.
"Kwin! Everytime that I see you, I always feel like this!" tinuro ni Fielle ang arrow na ngayon ay may drawing na puso.
"My heart is racing and pounding everytime that I'm with you! I love you so much!" masaya at mula sa pusong sigaw ni Feille.
Hindi mapigilan ni Juno na manikip ang dibdib sa sobrang saya na nararamdaman niya.
Ibang Juno ang makikita noong nakaraang pitong taon. Masayahin. Palabiro. Kung makikita mo man siya sa daan na naglalakad ay lagi itong may kasamang kaibigan, nakikipagtawanan. Maaliwalas ang mukha. Medyo maiksi ang buhok niya noong mga panahong ito. Medyo chubby ang kanyang dating pero bagay naman sa kanyang aura. Mababakas rin sa mukha nito na blooming at halata mong in love. Malayong-malayo ang aura ni Juno noon kumpara sa ngayon.
Magkausap si Fielle at si Juno sa cellphone.
"Kung pwede nga lang araw araw kitang puntahan, ginawa ko na. Miss na miss kita. Gusto na kitang makita." nalulungkot na sabi ni Fielle sa kabilang linya.
Hindi naman mapigilang mapangiti ni Juno.
"Isang buwan na lang oh, magkikita na ulit tayo" imik naman ni Juno para mabawasan ang pangungulila sa kanya ni Fielle.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...