Present Day.
Lahat ay kinuwento ni Maggie kay Juno maliban sa katotohanan na sinabi pala nito kay Jigs ang black history nito. Medyo natatawa ng kaunti si Juno.
"I am surprise that you care for him." sambit ni Juno.
"Anong I care for him? Kung alam mo lang kung gaano ako kainis sa Skunk na 'yun!" medyo sigaw ni Maggie.
"Magbihis ka na nga doon! Ang laki laki ng pajama mo sa'yo! At tsaka kanino bang sweater 'yan? Maligo at magpalit ka na nga doon!" dagdag na sigaw ni Maggie.
"Nakarating ka sa underground na may dalang walis. From what I know Magdalene, you care so much when it comes to your looks. But you didn't even bother a bit na habulin si Jigs na may dalang walis. Is it your way to walk him in the underground to make sure that he will be safe?" sambit at tanong ni Juno.
"Ano bang pakialam ko sa kanya? Kahit pa sabihin na mapano siya sa daan ay wala akong pakialam! Iyung skunk na 'yun? bibigyan ko ng halaga? No way!" sambit ni Maggie.
"You're lying." sambit ni Juno na ngayon ay pinapaikot na naman ang kanyang singsing habang tinitingnan si Maggie ng seryoso.
"Okay! Alright! It's just I know and I understand how it feels like to be a celebrity! You aren't free. Anytime soon, without your knowledge...someone is already there, prying and waiting to attack." sambit ni Maggie.
"Okay." sambit naman ni Juno.
"..." hindi maintindihang ekspresyon na naman ni Maggie.
"What do you mean okay?" tanong ni Maggie.
"Okay. You now, told the truth." sagot ni Juno.
Tapos ng higupin ni Juno ang kanyang kape. Tumayo ito at nagpunta sa kanyang cabinet at kumuha ng tuwalya.
"Lock the door when you leave." saad ni Juno kay Maggie habang papasok ito ng CR.
"You didn't tell me yet how did you know about the interview, and how did you find out that Aim is claiming you as his girlfriend. How did you know it?" tanong ni Maggie.
"Manager Juls. Noong nasa bahay sila ay naiwan ni Manager ang phone niya, at 'yun ang headline ng article na kanyang binabasa." sagot naman ni Juno.
"You didn't ask then when you saw the article?" tanong ni Maggie.
"Why would I? To make them uncomfortable? It's already done and I can do nothing about it so I just leave them be." sagot naman ni Juno.
"You can do nothing? And yet there you are, facing the whole world again. Para kang kabute na bigla bigla na lang lumitaw sa TV after years of resting. Will you really go back to that industry Kwin?" sambit at tanong ni Maggie.
"I am not planning to go back Magdalene. That kind of industry is just bullshit. I was just helping Sean. Pahuhupain ko lang ang pagka-trending, ang mga issues, ang mga expectations ng mga tao and after that mananahimik na ulit ako." sagot ni Juno.
"Hindi mo ba talaga naiisipan na bumalik na lang? I mean just try. Pamapalipas oras, pampapaaliw, ganun." sambit ni Maggie.
Buhat nung pagkawala ni Fielle ay hindi na ulit bumalik si Juno sa Entertainment Industry. Sa pagkawala ni Fielle ay para bang winakasan na rin ni Juno ang kanyang mundo. Sinarado niya ito, at hindi na nagpapasok ng iba pang tao sa kanyang buhay.
Habang sinasambit ni Maggie ang huling kataga ng kanyang mga salita ay ang totoo ay naalala niya ang nangyari nitong nakaraan, noong si Juno ay naabutan niyang lango sa alak, na puro pasa at sugat ang katawan.
"Why not try to get back? I mean, malay mo, makalimutan mo ang..." hindi natuloy ang pagsalita ni Maggie ng umimik si Juno.
"Stop spouting nonsense Magdalene." sambit ni Juno.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...