Sa Galaxy Star Hotel.
Natutulog pa rin si Juno sa kanyang kama ngayon. Medyo maaga pa para bumangon. Kung titingnan mo parang ang himbing ng tulog nito. Nakatagilid ang posisyon nito, nakatalikod sa pinto. Ang isang braso ay nakapatong sa kanyang ulo. Ang isa naman ay nakapatong lang sa kanyang katawan.
Napadilat siya ng mata noong maramdaman at marinig na may naglagay ng susi sa kanyang door knob. Hindi pa rin siya gumagalaw, pinapakiramdaman niya kung may papasok o wala. Ng marinig niya ang taong dahan-dahang naglakad ay pinikit niya ulit ang mata niya.
Bago pa man ipikit ang mata niya ay kinuha niya ang unan na hinihigaan niya at ipinatong niya sa ulo niya.
"It's too early Magdalene." boses ni Juno galing sa ilalim ng unan.
"Wow." pagkamangha ni Maggie na alam ni Juno na siya ito.
"Juno...may magandang balita ako." sambit ni Maggie.
"That can wait. Don't disturb me." sambit ni Juno.
Umupo na patalon si Maggie sa kama ni Juno at saka inagaw ang unan na nasa ulo ni Juno. Bumangon si Juno at napapoker face na lang.
"I just wanted a decent sleep." matigas na sambit ni Juno na halatang pinipigilang sumigaw.
"But hey! Are you sure you don't want to hear what will I say?" tanong ni Maggie.
"I don't care what news is...." hindi natuloy ni Juno ang kanyang sasabihin ng sumingit si Maggie.
"Speed will be with you later. He's okay now!" masayang sambit ni Maggie na ngayon ay gustong yakapin si Juno.
Natigilan si Juno ng marinig ang ibinalita ni Maggie. Tumingin siya kay Maggie at saka ngumisi ng matamis, ngumiti na hanggang tainga. Halata ang excitement sa mukha. Sa wakas matatapos na rin ang pananabik niya sa kanyang pinakamamahal na motor.
"Really?!!! Kailan natin pwedeng kuhanin? Can we get him now?!" excited na tanong ni Juno.
"Yes! Kaninang madaling araw sinabi sa akin ni Tito. Gusto ko ngang puntahan ka agad kanina kaso baka tulog ka pa kaya ngayon na lang ako nagpunta." sagot naman ni Maggie.
"Then what are we waiting for? Let's go!" sambit ni Juno habang kinukuha ang kanyang mask at cap.
"Hoy! Maligo ka nga muna! Hahaha. At tsaka lamnan mo muna 'yang tiyan mo. Hahaha." pailing iling si Maggie habang tumatawa.
Hindi na umimik pa si Juno at nagderitsong kumuha ng tuwalya at tumungo sa banyo. Si Maggie naman ay naghanda ng makakain sa kusina.
Tinatahak na ngayon ni Maggie at ni Juno ang daan patungo sa Tools and Motor's Company. Habang nagkwekwentuhan ay may biglang naitanong si Maggie.
"Idra-drive mo agad si Speed kung sakaling nakuha natin siya ngayon?" tanong ni Maggie.
"Oo. Sobra ko siyang namiss." sagot naman ni Juno.
"Dala mo naman ang susi 'di ba?" ngising tanong ni Maggie.
"Sht." usal ni Juno.
"Nadala ko na hahahah. Nasa bag. Kinuha ko na kanina noong naliligo ka, alam ko kasing malilimutan mo hahaha." patawang sambit ni Maggie.
Hindi naman napikon si Juno sa pagbibiro ni Maggie na ito.
"Magdederitso ka sa Racing Area?" tanong ulit ni Maggie.
"May posibilidad." sagot naman ni Juno.
"Anong oras ka pupunta doon kung sakaling uuwi muna tayo sa hotel?" tanong ni Maggie.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...