Pagdating ni Juno sa Galaxy Star Hotel, nakangiti ito na para ba siyang nasa himpapawid. Pagkasarado at pagkasarado ng kanyang pinto ay impit na sumisigaw ito sa tuwa nagpupumilit na pigilan ang sarili, tumalon ng pabagsak sa kanyang kama at tinatadyak tadyak ang kanyang paa. Kinuha ang unan at initsa-itsa ito pataas. Hindi maitatanggi at hindi rin maitatago na sobrang saya niya ngayon.
Natigilan lang si Juno ng maalala niya si Maggie, ng maalala niya ang kanyang kaibigan. Naligo muna si Juno at nagpalit ng jacket, pagkatapos maligo ay bumaba na siya sa kwarto ni Maggie dala-dala ang duplicate key ng kwarto ni Maggie. Pagbukas ni Juno ay nandun pa rin naman si Maggie. Nakadapa pa rin sa kama at may kinakain na kung ano-ano.
"It's already late, ngayon ka lang nakarating?" tanong ng makita si Juno.
"Kani-kanina lang, nagderitso ako sa taas." sagot naman ni Juno.
Pinulot ni Juno isa-isa ang mga kalat sa kwarto ni Maggie. Nagtataka naman si Maggie kung bakit parang naglilinis si Juno sa kanyang kwarto. Sinusundan ng tingin ni Maggie si Juno kung saan mang direksyon ito pumupunta. Ng matapos ng mapulot ang kalat ay nagpunta ito sa maliit na kusina ni Maggie kung saan kita lang din naman si Juno.
"You should eat something healthy too, kanina pang chips ng chips ang kinakain mo." sambit ni Juno habang kumukuha ng gulay sa ref ni Maggie at isa-isang hinuhugasan sa lababo.
Hindi maiwasang magtaka ni Maggie.
"You alright?" tanong ni Maggie na nagtataka sa kinikilos ni Juno.
"Yeah? Why would I not be?" tanong pabalik ni Juno na nakatingin kay Maggie.
"Are you sure?" pag-uusisa ni Maggie.
"Oo naman. Ikaw ba? You okay?" sagot at tanong na rin ni Juno.
"I'm okay." sambit ni Maggie.
"I...I encountered Aim earlier." pag-uumpisa ni Juno
"Then?" sambit ni Maggie na parang wala lang.
"He said that he wanted to talk to you...? That he wanted to say sorry for what happened last time." medyo dahan-dahan na sambit ni Juno na para bang kinakapa kung magagalit ang kanyang kaibigan o hindi.
Natigilan naman si Maggie, hindi makapaniwala sa mga salitang kakabitaw lang ni Juno. Mabilis na bumangon si Maggie at pumunta sa kinaroroonan ni Juno at saka humila ng silya.
"Tell me more." sambit ni Maggie.
"What you mean more?" pagtataka ni Juno na medyo kinakabahan, inaakala na may nalalaman na agad si Maggie.
"Iyun lang ang sinabi niya?" tanong naman ni Maggie.
"Oo." sagot ni Juno.
"Sama ka sa akin sa isang araw, sa pagbalik nila sa Mt. Silvanus para makapag-usap kayo." sambit naman ni Juno.
"Kailan ang balik nila?" tanong ni Maggie.
"Sa isang araw." sagot naman ni Juno.
"Half-cook?" tanong ni Juno kay Maggie habang bitbit ang carrots na nasa kamay.
"Full." sagot naman ni Maggie.
"Okay." imik pabalik ni Juno.
"Jigs was not there earlier." sambit ni Juno kay Maggie.
"And so?" sambit naman ni Maggie na halatang may pagkabitter ang sagot.
"Just in case if you're curious." sagot naman ni Juno.
"I'm not." walang kaemo-emosyon na sambit ni Maggie.
"He didn't even dare to say sorry." paghalumbaba ni Maggie.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...