Chapter 59 Explanations

4 0 0
                                    

Nakahiga ngayon si Juno sa kama niya sa Mt. Silvanus, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isip ang ekspresyon ng mukha ni Aim at ang mga sinabi nito sa kanya. Napapatulala siya ngayon sa kisame, iniisip kung mali nga ba talaga ang madalas niyang pag-text o pagtawag madalas kay Aim.

1 message received

From: Maggie

-Still in Mt. Silvanus?

To: Maggie

-Will spend the night here, I will go back there tomorrow.

Send.

From: Maggie

-Aim?

To: Maggie

-We talked. He's just tired.

Send.

Naisipan ni Juno na magbrowse ulit tungkol sa naging issue.

"An Actor's girlfriend is cheating with his racer bestfriend."

Kunot noong binabasa ni Juno ang article.

"After what the actor saw and heard...he took down the status of being in a relationship with the girl."

Nag-iiisip si Juno kung ano ang pwedeng dahilan ng kumakalat na tsismis na ito.

1. Dahil may upcoming drama si Aim at kailangang pumatok ang love team nila ni Aya?

2. Dahil nga ba talaga naiinis na si Aim sa kakulitan niya, dahil ba talaga nadidisturbo niya si Aim?

3. Dahil ba patok na patok at sikat na sikat si Aim ngayon, at kailangan pa niya ng dagdag na taga-hanga? Posible rin kasing dumami pa ang followers ni Aim kung malalaman nilang single ito.

"Pero bakit kailangan pang idamay si Jigs?" sambit ni Juno sa kanyang telepono habang nagbabasa pa rin ng mga articles na nakikita.

Napapaisip si Juno na wala ring nababanggit si Manager Juls sa kanya. Hanggang sa lumalim na ang gabi ay hindi pa rin nakatulog si Juno, madaling araw na at lahat ay mulat pa rin siya. Nakatingin lamang sa kisame.

Ng mapansin niya ang oras na alas singko na ng madaling araw ay nagpasya na si Juno na bumalik sa Star Galaxy Hotel o condo niya. Nagtatype siya ngayon ng message na ise-send niya sana kay Aim kaso natigilan siya ng mag-echo ulit sa tainga niya ang sinabi ni Aim sa kanya kagabi kay mas minabuti niyang burahin na lang ang nasa type message niya.

Bago pa man tuluyang bumalik ay dumaan muna si Juno sa fast food at doon ay kumain, ngayon lang niya napagtanto na halos wala siyang kinain buong maghapon kahapon.

Ganun ata talaga sadya kapag may love quarrel.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na siyang tuluyang bumalik sa kanyang condo. Pagkarating sa underground parking Star Galaxy ay nandun ang pick-up ni Maggie, himalang hindi umalis ngayon. Pinunasan niya ng kaunti ang kanyang motor na si Speed.

"You're back." sambit ni Maggie na biglang sumulpot na may bitbit na supot ng pagkain.

"Breakfast?" tanong ni Juno habang tinitingnan ang bitbit ni Maggie.

"Yep, but I bought extra, you can have some."

"Ayaw ko, baka kay Jigs 'yan." biro ni Juno.

"Tsss." sambit ni Maggie habang natatawa.

"Let's go." yaya ni Juno.

Naglalakad ngayon ang dalawa papunta na sa elevator hanggang sa makarating na sila sa loob.

"Nagka-usap na kayo ni Aim?" tanong agad ni Juno.

"Mn. Yep." natatawang sambit ni Juno habang ngumingiti.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now