Sa paglipas ng ilang linggo ay halos naging abala ang lahat. Si Aim na puro shooting/filming/endorsing ang inaatupag, si Jigs na ngayon ay abala na rin sa bagong drama na pagbibidahan niya, si Maggie naman ay kung hindi kasama ni Jigs ay nasa farm nila, inaasikaso ang business ng Daddy niya. Si Juno ang walang masyadong ginagawa sa lahat, maliban na lang sa palagian niyang pagpunta sa Race Track.
Nauunawaan naman ni Juno ang ginagawa ng isa't isa pagkatapos ng lahat ay career ng kanyang sinta at mga kaibigan ang pinag-uusapan. Ang Juno na dating gusto ay tahimik lang ang paligid, ngayon ay hinahanap na ang ingay ni Maggie. Minsan naman kapag pinupuntahan niya si Aim sa Mt. Silvanus ay madalas niyang naaabutan na naghahabol ito sa mga scene niya bilang isang Mark.
Sa Mt. Silvanus
Sobrang pawisan ang isang Aim na kakatapos lang ng shooting, pagkasigaw ni Direk na bukas na ulit ay dali-daling nagpunta si Aim sa kanyang mga staffs.
"May schedule po tayo ngayon sa Music Insturments po 'di ba?" tanong ni Aim kay Ate Linda.
"Nakalimutan mo ata na nagcancel tayo at sinabi natin na next week na lang." sambit ni Ate Linda habang inaabot kay Aim ang tumbler at damit na ipapalit nito.
"Ay oo nga po pala."
"Magpahinga ka iho, huwag ka masyadong subsob sa trabaho." sabat naman ni Kuya Danny.
"Opo, Kuya." sang-ayon agad ni Aim para hindi na humaba pa ang usapan.
Umupo si Aim sa tabi ni Kuya Nestor na kanina pang naglalaro sa cellphone. Naalala ni Aim ang kanyang cellphone na iche-check niya nga pala.
7 messages received.
1 message: Ezra
-Rest when you have vacant time. ^^
-It's dinner time now, kumain ka na kaya? Kung hindi pa ay kumain ka after ng mga ginagawa mo <3
-I miss you. I love you.
Ngumingiti si Aim habang binabasa ang mga messages ni Juno.
-(Picture ni Juno naka-peace sign.)
"Hehe. Cute." ngiting sambit ni Aim.
-I went there this afternoon but you were too busy L . It's alright, I understand though <3
-When will can I hug you again? :(
-Dang! I miss you so bad.
Halos ang ngiti ni Aim ay napapapunta na sa masayang tawa.
"Ate Linda, pupunta po ako sa condo ni Ezra ngayon, sa hapon pa rin naman po ang shooting ko bukas pero hindi po ako doon tutulog, babalik din po ako." paalam ni Aim.
"Suuus, iiskur ka lang eh." pagbibiro ni Kuya Nestor.
"Hahahaha." halos tawa ng lahat na siyang ikinamula ni Aim.
"Hahaha biro lamang." sambit ni Kuya Nestor na tumatawa pa rin.
"Tara na at baka gabihin ka pa lalo." yaya ni Kuya Nestor.
"Dito na po kayo Kuya, magpahinga na lang po kayo, ako na lang po ang pupunta at magda-drive."
"Sigurado ka ba?" tanong ni Ate Linda.
"Ay mukhang iiskur nga ata." gatong ni Kuya Danny sa biro.
Napapailing na lang si Aim habang natatawa.
"Sige na iho kung aalis ka, lumakad ka na at nalalim na ng tuluyan ang gabi." sambit ni Kuya Nestor.
"Sige po."
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...