Sa Star Galaxy Hotel
Ngayong wala ng iniisip pa si Juno ay nakatulog ito ng mahabang oras at ng maayos. Halos magtatangahali na nung bumangon siya na sobrang bihira mangyari. Sa wari niya ay hindi ngayon busy si Aim kaya naiisipan niyang puntahan ito sa Mt. Silvanus, nakangiting lumapit si Juno sa lamesa kung saan naroroon ang kanyang cellphone.
"Oh geez! Oh! No.no.no." sapo ni Juno sa kanyang noo.
Ilang missed calls na ang galing kay Diaz, may ilang number din na nagtext at hinahanap kung nasaan siya.
Wala ng patumpik-tumpik pa, agad na naligo si Juno, nagbihis ng racing gears. Halos taranta niyang abutin ang kanyang helmet at susi. Pagkasarado ng pinto ay binuksan niya ulit para tanggalin ang saksakan ng heater, ang tubig na kumulo ay hindi pa nagamit ni Juno na siyang gagamitin niya sana para pang-kape.
Ang kagandahan kapag motor ang ginagamit ay nakakasingit sa mga ilang sasakyan kapag traffic. Kahit ganun pa man ay maingat pa rin si Juno sa kanyang ginagawang pagmamadali at pagmamaneho. Pagkarating sa tapat ng Racing Track ay hindi dito nagderitso si Juno, bagkus nagderitso ito sa filming site, sa kanyang bahay.
Nagtaka si Juno dahil walang gaanong tao sa Mt. Silvanus, ilang crew lang din ang nandun. Bumaba si Juno sa kanyang motor para puntahan ang mga nakikita niyang crew.
"...Ku...Kuya." medyo awkward na sambit ni Juno.
"Oh, kayo po pala." Sagot ng crew.
"Nasaan po..." hindi na natuloy pa ang tanong ni Juno ng may tumawag sa kanyang pangalan.
"Ezra...." Sambit ni Aim ng makita si Juno.
"Sean." Sagot ni Juno.
"I'm sorry for what happened, I will catch up with you later." Paalam agad ni Juno kay Aim.
Nagtaka si Aim kung bakit parang hindi mapakali si Juno.
"Are you alright?" tanong ni Aim.
"I'm sorry for misunderstanding you and Jigs..." hindi na natuloy pa ni Aim ang kanyang sasabihin ng umimik ulit si Juno.
"I really need to go." Paalam ni Juno at saka lumapit kay Aim para halikan ito sa labi.
Hindi na hinintay pa ni Juno na sumagot si Aim, halos patakbo itong nagpunta sa kanyang motor. Hindi namumula ang mukha, hindi rin nakikitang nahihiya ang mga mata at mukha ni Juno pero kitang-kita ang pagmamadali nito na tila ba balisa.
Tiningnan ni Aim ang papalayo na si Juno na parang kasing bilis ng hangin ang pagpapatakbo sa motor nito.
"Be careful." Bulong na lang ni Aim.
"Alam niya ba na sa Mt. Silvanus kayo magsho-shooting ngayon?" tanong ng crew na nasaksihan lahat ang pangyayari.
"I don't know, but I guess she isn't going there." Sagot ni Aim.
"Sabagay, hindi naman ganyan magiging kabilis ang takbo niya kung diyan lang din sa Racing Track ang kanyang punta." Sagot ng crew.
Hindi alam at hindi maintindihan ni Aim kung ano ba ang kanyang dapat maramdaman, isang buong gabi kasing hindi nagrereply si Juno sa mga text niya, naka-ilang tawag rin siya nung umaga. Tila ba may halong inis ang naramdaman ni Aim ng makita niyang bitbit ni Juno ang sariling cellphone, kapag naman sumasakay sa motor ay saka na lang ito sinisingit sa kung saan.
"Pupunta na po ako sa Racing Track." Paalam ni Aim sa mga crew.
"Sige po. Mag-iingat po kayo."
Tumango lang si Aim at saka nagtungo sa kanyang van. Ang kanyang mga staffs ay nandun na sa Racing Track.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...