Chapter 7 A Grave Misunderstanding

7 0 0
                                    

Present Day

Mag-iilang linggo na ring nag-i-stay si Juno sa hotel. Routine lang halos ang kanyang ginagawa. Pagkagising sa umaga ay naglilinis ng kaunti sa kanyang room. Magpapahinga ng kaunti tapos kakain na ng agahan. Minsan naman 'pag kailangan niya ng peace of mind ay lumalabas siya para mag-jogging.

Bago siya bumalik sa hotel galing pagjo-jogging ay minsan dumadaan siya sa grocery store para tambakan ng pagkain ang kanyang ref. Kadalasan sa binibili niya, gatas, gulay, isda, bibihira ang karne, sinasamahan niya minsan ng beer o kahit anong klaseng alak.

Sa patanghali naman ay nagluluto at kapag tapos na siyang mananghalian ay nililigpit at hinuhugasan na rin ng deritso ang kanyang pinagkainan. Ayaw ni Juno ng makalat.

Kapag walang-wala na siyang magawa ay saka siya nanunuod ng TV. Sobrang dalang lang kung tutuusin ang manuod ng telebisyon ni Juno, mapabalita o mapaano man ito. Mas pipiliin pa niya siguro ang magbasa ng libro, ang gumawa ng tula o kanta, o kaya ay mag-unwind sakay ng kanyang motor at pumunta sa hindi makapaniwalang magandang lugar.

Sa sobrang bored nito sa hotel at nawalan siya ng choice kundi manuod ng TV. Inilipat-lipat niya ang channel ng TV. Walang channel na nagustuhan niya, walang magandang palabas hanggang sa inilagay niya na lang ang remote sa lamesa at kinuha na lang ang librong nakapatong rin sa ibabaw ng lamesa at nag-umpisang buklatin at basahin ang bawat pahina pero iniwan niya pa ring naka-on ang telebisyon.

Breaking News...

"Ngayon ang araw ng paghaharap sa korte ng isang celebrity at ng isang netizen sa online na sinampahan ng celebrity ng kaso laban sa pangsa-cyber bully nito. Matatandaan ang nangyari noong nakaraang taon sa pagputok ng mga haka-haka tungkol sa naturang celebrity at sa mga hindi inaasahang larawan ng aktor na kumalat noon sa social media ng......"

Biglang dumating si Maggie sa harapan ni Juno, may bitbit itong mga pagkain na karamihan ay puro chips. Tumingin ito kay Juno at saka tumingin sa telebisyon, nagpalipat-lipat siya ng tingin. Hindi makapaniwala na naka-on ngayon ang TV.

"Wow. Himala." pagbibiro ni Maggie.

"Alam mo ba...'yang celebrity na 'yan..." hindi na natapos ni Maggie ang kanyang sasabihin ng biglang umimik si Juno.

"I don't care."

"I just thought that you're curious of him. Himala kasing nanunuod ka ngayon ng TV"

Napatingin si Juno sa TV, tapos sabay balik ulit sa binabasa niyang libro.

"Breaking News 'yan. I don't know why they made it a breaking news. Ang laki ng naitulong nila sa mundo sa information na 'yan." Halata sa boses ni Juno ang pagka-sarkastiko.

"Well, they choose to be a celebrity then why complain and sue a person when they are just stating an opinion? Isn't the duty of a celebrity being is to entertain and please their fans?" mahabang litanya ni Juno habang nililipat ang pahina ng libro na kanyang hawak.

Napanganga naman si Maggie sa sinabi niya.

"Well, you're the one who is making sense now. You're right." pagsasang-ayon na lang ni Maggie sa sinabi ni Juno.

Hanggang sa nakaraan na ang dalawang oras.

Nanunuod ngayon si Juno at si Maggie ng movie. Minsan nag-uusap, minsan nakafocus sa pinapanuod. Sa harapan nila, sa sahig ay nakalapag na beer in can at mga chips na bukas na, sa sahig din sila nakaupo habang nakasandal sa kama.

Ganito minsan sadya ang dalawa. Biglang dadating si Maggie na may dala na kung ano-ano at kapag may kasamang chips sa mga bitbit niya ay alam na ni Juno kung anong gusto ni Maggie. Isa ito sa bonding nilang dalawa.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now