Bumaba na ng tuluyan si Aim sa sasakyan. Tumungo agad ito kay Direk at Manager. Pagkatapos mabati ni Aim ang dalawa at ang iba ay nagpalit na agad ito ng damit para sa shooting.
Okay naman ang scenes at deri-deritso lang ang bawat tagpo. Bibihira ang nagkakamali ng linya. Halos lahat ng scene ay nagbibigay satisfaction kay Direk.
Medyo malalim na rin ang gabi noong natapos ang ilang scenes. Lahat ay pinagpapahinga muna ni direk, si Manager Juls naman ay lumapit kay Aim para kumustahin ang araw nito at ang mga ginawa nito.
Habang nakaupo sa labas ng tent na para bang nagpapalamig lang ay naisipan na ni Aim na magtanong sa Rival Archery.
"Manager Juls, alam niyo ba ang mga ibang company?" unang tanong ni Aim.
"?? Ay ano?" pagtatakang tanong ni Manager Juls.
"I mean bukod sa ibang kilalang Entertainment Companies dito sa bansa, may iba pa ba kayong alam?" tanong ulit ni Aim.
Dumating na rin si Direk at iba at mga staff na may kanya-kanyang bitbit na upuan para makisali sa kung anumang usapan at tawanan.
"Rival Archery." sambit ni Ate Linda na kakalagay lang na upuan sa damuhan at saka umupo.
"Ba't niyo naman napapag-usapan ang Rival Archery?" tanong ni Direk na kakaupo rin lang.
"May ganun nga pong Entertainment Company?" tanong ni Aim.
"Meron." sagot ni Direk.
"Akala ko noong una ay scam lang ang company na 'yan pero noong nagpunta ako sa company nila, totoo pala sila. Hindi nga lang masyadong kilala ang company nila." pahabol ni direk.
"Bakit mo naman biglang naisipang itanong 'yan?? May nagbigay sa'yo ng calling card nila?" tanong naman ni Manager.
"Wala naman po." sambit naman ni Aim.
"Kung hindi ka lang nakatali sa Celebrity of Celebrities ay may posibilidad na doon kita ililipat. Kaso naging madamot ang kapalaran." paghalumbaba naman ni Manager Juls.
"International Company sila kung maituturing. Akala mo lang ay hindi sila kilala pero grabe kung makapagproduce ng superstar." sambit ni Manager Juls pa rin.
"Hindi po sila gaanong kilala?" tanong ni Aim.
"Dito sa Pilipinas ay hindi pero sa ibang bansa, oo." sagot ni Manager Juls.
"Mahirap pasukin ang kanilang company, sinubukan ng ibang Entertainment Company na makipag-collab sa kanila pero hindi man lang nila binigyan ng pansin." pagpatuloy ni Manager Juls.
"May ibang companies din na sinubukan nilang ipasok ang mga bigating celebrities nila, pero walang nangyari. Hindi man lang pumapasa sa standards nila." sambit pa rin ni Manager Juls.
"Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa Entertainment Company na 'yan?" tanong ni Manager Juls.
"Do you remember Mr. Nepomuceno Manager?" tanong naman ni Aim.
"The handling director of the product that you just endorse earlier?" tanong ni Manager Juls.
"He's the owner and the founder of the product." pagtatama naman ni Direk.
"What?!" hindi makpaniwalang tanong ni Aim.
"You don't know???" pagtatakang tanong ni Direk.
"We didn't know!" sagot naman ni Manager.
"He's the one who told me about the Rival Archery Company." sambit ni Aim.
"He knows the company, nakapunta na rin siya sa main office, sa U.S. ba 'yun?" patuloy na sambit ni Aim.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...