After Juno being Drunk
Nagising si Juno sa dumadamping sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Malapit siya sa gilid ng kama. Lilingunin sana ni Juno ang katabi niya ng makaramdam siya na masakit. She lost her V card last night and she surrendered it to the love of her life. Juno smiled sweetly and turned around.
Nawala ang mga matatamis na ngiti ni Juno ng makita na wala si Aim sa tabi niya. Tiningnan niya ang palibot ng kama, ang paligid ng kwarto. Tumayo ito, ginamit ang kumot na pangtakip sa kanyang katawan at saka sumilip sa sala.
Tahimik. Nakasarado ang pinto.
Minabuti ni Juno na magsuot muna ng mga kailangang isuot at saka lumabas sa kanyang kwarto. Tiningnan ni Juno ang kusina, walang tao. Ang sala, walang tao. Kinatok muna ni Juno ang pinto ng kanyang banyo at ng walang tumugon ay binuksan niya ito, wala ring tao.
Nakita ni Juno ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa ng kanyang sala. Ang unang pumasok sa kanyang isip ay tawagan si Aim at tanungin kung nasaan ito. Habang dina-dial ang number ni Aim ay sumilip si Juno sa bintana pero wala ng sasakyan na makikita.
Nagsalubong ang kilay ni Juno ng ganun pa rin ang number ni Aim, hindi pa rin natatawagan. Ang daming notification sa cellphone ni Juno, pero para bang wala siyang pakialam sa mga ito, iniscroll niya na lang at saka tinawagan si Maggie.
"Kwin. Are you alright? Are you okay? Can I come to you now?" sunod-sunod na tanong ni Maggie.
"Can you pick me up?" tanong ni Juno.
"Of course, of course. Nagpunta dito si Fielle kagabi."
"Yes, yes. Sorry, I lend him the car without your permission."
"It's alright Kwin, as long as you're safe. Can we come now? I will be with Jigs. Susunduin ka namin diyan."
"Okay. I'll wait."
".... Thank you, Mags." Habol ni Juno.
"I'm always here for you, you know that. We're always here for you." Sagot ni Maggie.
Bumalik ulit si Juno sa kwarto at napansin ang iniwan niyang bakas sa kanyang kama. Tinanggal ni Juno ang cover at pinalitan ito ng bago, sa tansya niya ay halos dalawang oras bago pa makarating sila Maggie kaya minabuti ni Juno na labhan ang cover.
Pagkatapos maglinis sa kanyang mga naging kalat kagabi ay hinintay na niya si Maggie at si Jig sa labas ng kanyang bahay. Sinubukan niya ulit tawagan si Aim kaso ganun pa rin.
To: Sean
--Filming today? ^_^
Sent.
Pagkaraan ng ilang saglit ay may dumating na Civic na pula. Alam naman ni Juno kung kanino ito dahil nakikita niya ito minsan sa underground parking, sa Star Galaxy Hotel. Dali-daling bumaba si Maggie sa sasakyan at sinalubong si Juno.
"Are you alright?" bungad na tanong ni Maggie.
"Yep. Why wouldn't I be?" tanong naman ni Juno.
"Let's go home." Sagot naman ni Maggie.
Tumango lang si Juno.
Pagsakay ni Juno sa backseat ay binati siya agad ni Jigs.
"Juno!" masayang bati ni Jigs.
"Matthias." Bati naman na pabalik ni Juno.
"How are you?" tanong ni Jigs.
"Good." Tipid na sagot ni Juno.
"Just in case, do you know where's Aim?" tanong ni Juno.
Ngayon naman ay umaandar na ang sasakyan.
"If I am not mistaken may Live Interview siya today." Sagot ni Jigs.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...