At ngayon ay nagkalat na ang mga motor na nagkumpulan sa starting line kanina. Sobrang bilis ng paandar ng mga racers, lahat ay gustong manalo, lahat ay gigil na gigil sa pagmamaneho. Labing-limang laps rin ang kailangan malampasan bago pa sila makarating sa finish line. Mahaba ang kalsada. Apanapu't lima ang kabuuan ng lahat ng maglalaban-laban ngayon sa International Race. Iba't ibang lahi ang mga kasali. May mga ibang Motorbike company na dalawa o tatlo ang representative para more chances of winning.
Naka-upo na ulit si Aim sa pangalawang palapag ng bus truck at kitang kita ang malaking screen na nasa harap ng truck na ito ang mga naglalakihang motor, ang mga nakasuite at naka-racing gears na kalahok. Magkakaibang kulay ang makikita, at ang mga nag-aastigang mga helmet.
"At ito na nga ang pinakahihintay nating lahat! Mga ginoo! Mga ginang! Mga binibini! Mga binatilyo! Hoooooo!" sigaw ng announcer na may halong excitement sa kanyang mic.
"Sa loob ng isang minuto ay mag-uumpisa ang karera na ating inaabangan!" sigaw ulit ng speaker. Kasabay nito ang tunog ng mga motorsiklo na nasa starting line.
"In 5...4...3...2...1.!"
Iniwagayway na ang may kulay itim at kulay puti nabandera ng isang lalaki sa gitna ng racing road, hudyat na magsimula para magkararehan at mag-unahan na ang mga racers sa bawat road lapse.
Nangunguna ngayon si Jigs sa laban. Kita mo sa mga mata nito at sa bawat galaw nito na sobrang gigil at gustong-gusto manalo. Sadyang ganito na si Jigs kahit noong bata pa siya, kapag may gusto ay kailangan niya talagang makuha. Ika nga ng iba sa ugali ni Jigs. "Competitive". Malinis at pulido maglaro si Jigs. Kahit noong mga nakaraang laro at panalo niya ay nakakamit ang tagumpay ng walang bahid ng dumi o pandadaya.
Sa hindi kalayuan, sa likod ni Jigs ay may mga kasunod naman na iba pang manlalaro ka katulad rin niya gigil na gigil na mapaunang matapos ang unang laps.
"At ito na nga mga mahal kong manunuod! Nangunguna ang pinagkakatilian at pinagkakabaliwan ng mga karamihan sa ating manunuod ngayon, si Jigs! At ang nasa pangalawang pwesto naman natin ngayon na pilit naghahabol at unahan si Jigs ay si Vincent Jay! Matatandaan na si Vincent Jay ang nagging kampeon noong nagdaang taon, let us see what will happen to our former winner last year!" pag-aannounce ng speaker. At nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Numero onse! Si Juno! Si Juno ay isa sa limang babae na kalahok ngayon sa ating ginaganap na Competition Race. Oh! Oh! Oh! Oh! She's trying to catch up with Vincent!"
Dangkal na lang siguro ang pagitan ni Juno at kay Vincent at mauunahan na niya ito.
Nanlaki ang mata ni Aim ng makita ang babaeng nagngangalang si Juno. Hindi siya nagkakamali. Hindi siya maaaring magkamali. Ito 'yung taong purong nakaitim kanina sa tent na nakita niya. Malabo man ang kanyang mata at paningin noong makita niya ito kanina, ay nakakasigurado siya na ito nga ang babaeng 'yun.
Ang body figure, kung paano ito pumaling na parang relax lang, na para bang bihasa na pangangarera, makikita kasi kung paano ito tumingin na para bang hindi kinakabahan kung may motor na uuna sa kanya sa kaliwa o sa kanan ng kalsada.
Hindi mababakas sa galaw ni Juno ang gigil nito at ang kagustuhan niya ring manalo. Kung titingnan mo kasi ito sa screen ay para lang ba siyang sumali sa mga baguhan na manlalaro. Pero kahit ganun ay bakas pa rin sa kanya ang swabe at tulin na takbo at kung paano niya dalhin ang kanyang motor.
May technique na ginamit si Juno para maunahan si Vincent, at hindi naman siya nabigo dahil bago pa marating ang kadulu-duluhan ng first lap ay siya na ngayon ang nasa pangalawa. Namangha ang mga announcer sa ginawang ito ni Juno.
"At naunahan na ng Numero Onse si Vincent! Magandang laban ito! Hindi nagkalalayo ang pagitan ng naunang tatlo na ngayon ay pilit na nag-uunahan! At ito na nga! Si Jigs ang unang nakalampas sa first lap!" pag-aanunsyo ng announcer.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...