"Bro!" sigaw ni Jigs na akala mo'y patakbo na papunta kay Aim.
"Congrats! Nasa sa'yo na ang lahat! Hahaha! Looks, fame, talent, but where's the girlfriend? Hahahah" bati at biro ni Aim sa kanya.
Nag-kamay at nagbalikat sa balikat ang dalawa.
"See? Hindi sayang ang pagpunta mo dito! Thank you so much bro for coming here! Na-appreaciate ko ang pag-risk mo ng buhay para makita akong maglaro" sambit ni Jigs
"You're giving me goosebumps Jigs! Hahahaha. I just don't want you to throw a tantrum that's why I'm here! Hahaha" birong sagot ni Aim sa kanya.
"Really...thank you!" seryosong saad ni Jigs na may sinseredad.
"Hey guys! Lunch is on me! Saan tayo?" tanong ni Jigs kay Aim at sa mga kasama, sa mga taong nasa at paligid ng tent nila.
"Boss magpadeliver na lang tayo, matunog na lalo ngayon ang pangalan mo dahil sa pagkapanalo mo" saad ng staff
"Oo nga boss, mahirap na baka dumugin ka" dagdag na saad ng isa pang staff.
"Then let's order something to eat. What do you want guys to eat? Come on, just name it hahaha." masayang saad ni Jigs.
"Anything is fine to me Jigs. Dito na rin icelebrate ang pagkapanalo mo. Both of us will be busy for this coming week. Start na ng shooting ko. Start na rin ng sa'yo." sabi ni Aim.
"Yeah. Yeah. Let's celebrate now" pagsasang-ayon ni Jigs.
Habang hinihintay nila ang pagkain ay pinanuod nila ang replay ng laban kanina. Manghang-mangha si Jigs sa kanyang pagkapanalo at kung ano anong papuri ang naririnig niya galing sa mga staffs. Kung si Jigs ay focus sa panunuod sa kanyang sarili, si Aim naman ay hindi mapigilan ang magtanong tungkol kay Juno.
"Anong surname ni Juno?" unang tanong ni Aim.
"Nakalaban mo ba siya noon sa mga race?" sunod na tanong ni Aim.
"Bakit hindi siya bumalik kanina sa stage after ng game?" isa pa ulit na tanong ni Aim.
"May daan ba sa finish line palabas sa racing road?" dagdag pa ulit na tanong ni Aim.
Sunod-sunod na tanong ni Aim. Natigilan naman si Jigs at sabay tingin kay Aim, nagkunot noo at nagkunwaring hahampasin ng trophy nitong bitbit.
"Ako ang pinapanuod natin dito bro! Ba't ka sa iba nakafocus?!" tanong ni Jigs na patawa.
Maya-maya pa ay tatawa-tawa at iiling iling si Jigs sabay tingin ulit sa screen ng laptop.
"I don't know where she came from. Ngayon ko lang siya nakita, ngayon ko lang din siya nakalaban sa race. I'm losing my face by saying this but she's so damn good. I saw how she drives and handle her motorcycle. The way she uses techniques" hindi maitanggi sa boses ni Jigs ang pagkamangha.
"Hindi ba may mga motor company na nagma-manage sa mga racers? Nakita mo ba kung anong klaseng motor ang minamaneho niya?" sabat ng isang staff.
"Boss, sir, nandito na ang pagkain na pinadeliver ninyo!" Lumapit si Jigs sa staff at inabutan ito ng pambayad.
"Ibigay mo na sa delivery guy ang sukli" bumalik si Jigs sa nagkumpulang nanunuod ng replay. Umupo sa silya at nag-uumpisa ulit umimik.
"Kanina bago magsimula ang race, may kinukumpuni ako sa motor na gagamitin ko, siya lang ang nakita kong hindi busy kaya sa kanya na lang ako humiram ng Philip screw. Wala siyang kasama sa tent niya. Wala rin akong nakitang bus truck or something, nor staffs that will assist her. Hindi ko rin napansin kung anong brand ng wheels niya" sambit ni Jigs.
![](https://img.wattpad.com/cover/342973140-288-k417862.jpg)
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...