Chapter 15 Celebrity of Celebrities Company

5 0 0
                                    

"Sir! You shouldn't have done that! Kailan pa tayo naging kriminal?!" nangangalaiti na tanong ng babae sa kanyang boss.

"Relax. He will not be killed. Just a little bit accident." sagot ng isang lalaking nakaupo ngayon sa upuan na parang pangcomputer chair.

"And what if they will suspect us?! Paano kung sumablay?!" tanong ulit ng babae.

"Weren't you the one who told me that we need to teach him a lesson?" tanong ulit ng lalaki.

"But not in this way!" pagsigaw ng babae.

"It's just a lesson Neria. A lesson. Besides masamang damo ang dati mong alaga, hindi siya basta-basta mawawala and after that we'll go back cyberbullying him" sambit ng lalaki.

"This is the first and the last that you will do this Benjamin!" sigaw ni Neria.

Benjamin Abueva ang chairman o may-ari ng Celebrity of Celebrities company. Hindi straight na lalaki. At dati itong may gusto kay Aim. Isa si Benjamin ang naging dahilan kung bakit umalis si Aim sa Entertainment Company na ito. Ginagalang ito ni Aim pero nawala ang kanyang respeto ng minsang hipuan siya nito sa parte ng kanyang pagkalalaki.

Si Neria Alvarez naman ang kanang kamay nito. Nakatali na ito sa Entertainment Company, sercretary ni Benjamin. Taga-aarrange ng mga bagay-bagay katulad ng ginagawa nila ngayon na pagpapahamak kay Aim.

"Have you watched his interview now? He has now a girlfriend. Ask the staffs to look for that girl in all social media, pictures of the girl, pictures of them together. Inform me once you will find something." pag-uutos ni Benjamin.

"Okay sir." sagot naman ni Neria at saka lumabas sa opisina.

Magkaibigan ang dalawang ito buhat ng maitayo ang kompanyang ito. Kapag halimbawang isa sa kanila ay may ginawang hindi maganda ay pinupuna nila ang isa't isa na parang magkapatid na pinapagalitan ang isa. Kapag normal lang ang takbo na ginagawa ay boss-secretary ang turingan nila.

Benjamin will do everything just to taint the name of Aim. Hindi matanggap nito ang pagturn-down ni Aim sa kanya at ang lakas ng loob ni Aim na sampahan sila ng kaso at ipaterminate ang sariling contract. Ang laking pasasalamat ng boss na ito noong nanalo sila sa kaso.

60% ng mga kita ni Aim bilang isang artista ay mapupunta sa kanilang kompanya dahil 'yun ang nakasaad sa kontrata. Kada-endorse, kada-drama, kada-concert. Kahit pa sabihing hindi na siya nagtratrabaho sa kompanyang ito ay nakatali pa rin si Aim sa kanila ng dahil sa kontratang ito.

Sila ang nasa likod kung bakit nagkaroon ng issue si Aim noong nakaraang taon. Pagkatapos ng kaso ay pinakalat nila ang pictures ng hubad na Aim, may mga screenshot din na pinakalat na nagcomment si Aim sa social media sa isang model na host ng kabastusan. At kung ano-ano pa ang nilabas ng mga ito para masira ng tuluyan si Aim.

10 years of contract. Nasa pang-apat pa lang na taon ngayon. Kailangan pa ni Aim magtiis ng anim na taon mahigit para tuluyang makalaya sa tali ng mga ito. Para ba nilang kinulong si Aim at sinasampal ng paulit-ulit sa ginagawa nilang ito.

May mga videos din na kumalat na nagsasalita si Aim ng foul word sa isang babae. Ang video kung saan may isang babae na para bang humingi ng tulong sa kanya pero minura niya kasi nakakaabala daw ito. Hindi alam ng lahat na acting lang ito, ipinagawa ito ng kanyang boss noon noong kakarating pa lamang nito sa kompanya.

Nag-hire pa ito ng mga tao sa social media para magcomment ng kung ano-ano sa mga post ni Aim. Para dungisan ang pangalan. Para mangibabaw ang pagkasira ni Aim kaysa sa pagsikat nito.

Pagkaraan ng tatlong oras ay may kumatok sa opisina, maya-maya pa ay pumasok si Neria.

"Boss, walang makita ang mga staffs natin kahit isang picture man lang sa social media sites tungkol sa sinasabi ni Aim na si Juno." pagbalita ni Neria.

Bago pa man umimik si Benjamin ay may pumasok na lalaki sa opisina na kung saan nag-uusap ang dalawa. Duguan. Nabigla ang dalawa sa nakita.

"What happened?!" sigaw ni Neria.

"Nakatakas sila bago ko pa man sila madisgrasya." sambit ng lalaki.

"Eh ba't parang ikaw ang nadisgrasya?! Ba't ganyang ang hitsura mo?!" tanong ni Benjamin.

"May nakasalpukan po akong motor. Hindi ko alam kung patay na ba o buhay pa ang driver. Hindi ko tiningnan, kailangan kong umalis agad kasi baka may makakita" sagot ng lalaki.

"Namukhaan ka ba nila Aim at ng mga tao niya?!" nababahala na tanong ni Neria.

"Hindi. Hindi nila ako nakita." sagot ng lalaki.

"Ito ang pera." sabay abot ni Benjamin ng pera, ang ipinangakong bayad niya sa lalaki.

"Maraming salamat boss." sambit ng lalaki.

"Umalis ka na, sige na, baka may makakakita pa sayo dito." pagtataboy ni Neria sa lalaki.

"Sabi ko sa'yo masamang damo 'yang alaga mo." banggit ni Benjamin.

"Benjamin, promise me that you will never do something like this again!" matapang na saad ni Neria.

"Okay." matipid na sagot ni Benjamin na para bang maliit na bagay lang ang pinagawa niya.

"Back to that Juno girl, why you can't find her social media accounts?" pagtatanong ni Benjamin habang tinitingnan ang mga kuko sa daliri.

"Hindi natin alam kung ano ang tunay niyang pangalan. Wala siya sa mga list ng social media accounts friends ni Aim. Some comments of that interview claimed that they know that Juno and some of them said that she's a racer like what the interviewer said. Kahit sa mga racing videos, wala kang makikita na Juno" sagot ni Neria.

"Hmmmm. Something's fishy. Call the group that we hired last year in social media, tell them to make a rumor that Aim is having an imaginary girlfriend." sambit nj Benjamin.

"And tell the staffs to make sure na mag-iingay ang issue na 'yun." pahabol ni Benjamin.

"Okay." tipid naman na sagot ni Neria.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now