Kinabukasan ay maaga si Jigs dumating sa Mt. Silvanus halatang excited sa practice na gagawin nila ni Juno ngayon. Napapasilip si Jigs sa sasakyan kung saan tulog si Aim. May kung anong kakulitan na pumasok sa utak ni Jigs at kinikilit ang tainga ni Aim gamit ang damo na binunot niya kung saan.
Unti-unting ngumingisi si Jigs ng unti-unti gumagalaw si Aim sa kanyang kinahihigaan at pinilipilit na hampasin ng marahan ang tainga sa pag-aakalang gamo-gamo lang ito o lamok man. Hanggang sa tuluyang nahuli ni Aim ang damo na hawak ni Jigs.
"Hahahahahaha." hagalpak na tawa ni Jigs.
"Hey! Good morning handsome! Wake up!" bungad na bati ni Jigs sa walang emosyon na mukha ni Aim.
Bumangon si Aim sa kanyang pagkakahiga at pilit na nilalabanan ang nararamdaman pa na antok.
"Direk said that you maybe can watch the game next week kasi wala daw siya next week ng buong linggo, kailangan niyang umuwi sa province niya, kasal ng kapatid niya." sambit ni Jigs na pumasok na ngayon sa loob ng Hiace na sasakyan.
Unti-unti namang tumingin si Aim sa gawi ni Jigs, sa kaloob-looban ni Aim ay masaya siya dahil para bang pinagbibigyan siya ng pagkakataon na makapanuod sa laro ni Juno.
"You will watch me again, right?" nakangising tanong ni Jigs.
"Pffft." pagtawa ni Aim na para bang nang-aasar.
"Sige na! Please! Manuod ka na!" pagmamakaawa ni Jigs na medyo mataas ang boses.
"It depends kung may nakaschedule ako na endorsement that day o wala." sagot naman ni Aim.
"Basta, manuod ka, para makita mo ulit kung paano ako manalo." pagyayabang ni Jigs.
"You cannot even win to Juno into a practice." pagbibiro ni Aim.
"Sino bang kaibigan mo ha?! Ako o si Juno?!" sigaw ni Jigs malapit sa tainga ni Aim.
"Hahahaha, I'm just kidding." sambit naman ni Aim.
"Uuwi rin ang mga crew next week kapag uuwi na si Direk, how about you?" tanong ni Jigs.
"Maybe I'll stay in hotel, or maybe pupunta ako sa Company, matagal ko na silang hindi nabibisita, I just wanted to check them." sagot naman ni Aim.
"Okay lang naman 'yun na hindi mo sila gaanong nabibisita, eh lagi mo namang tinatawagan." sambit naman ni Jigs.
"Kahit na, kailangan ko pa rin silang bisitahin para kumustahin." sagot naman ni Aim.
"Okay, if you say so." sambit naman ni Jigs.
Tumingin si Aim sa labas na tila ba parang may hinahanap. Napapatingin si Jigs sa tinitingnan ni Aim kung sino ba ang tinatanaw nito.
"Dumating na ba sila Juno?" tanong ni Aim.
"Not yet, papunta pa lang daw." sagot naman ni Jigs.
"How...How did you know?" tanong ni Aim na nagtataka kung nagmessage din ba si Juno sa kanya.
"I asked Maggie kung nasaan na sila, sabi niya papunta pa lang." sagot naman ni Jigs.
"Wala kang number ni Juno?" tanong ni Aim.
"Wala, nakakalimutan kong hingiin madalas, saka ko lang naaalala kapag nakaalis o wala na si Juno." sagot naman ni Jigs.
"Nga pala, sabi ni Manager after mo daw magbreakfast ay magpunta ka na daw doon, medyo hahabulin at dadamihan daw ang scene na gagawin niyo ngayon, kasi nga wala si Direk next week." sambit ulit ni Jigs.
"Okay, okay." sagot naman ni Aim.
"Diyan ka muna, pupuntahan ko na 'yung Reavenne ko." masayang paalam ni Jigs.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...