Chapter 32 You're beautiful.

6 0 0
                                    

Habang hinihintay ni Aim na magshoo-shoot na ulit ay kung nasaang dako ang isip niya. Nakaupo sila ngayon malapit sa may tent kung saan malilom. Nakatulala si Aim sa kawalan.

"Okay ka lang?" tanong ni Aya na katabi niya na lang na may hawak din na script.

"Ha? Oo." pagbabalik ulirat ni Aim.

"Para kasing kanina ka pang wala sa sarili." puna naman ni Aya sa kanya.

Lumapit naman si Manager Juls at si Maggie kay Aim.

"Hindi mo pa napapansin si Juno na dumating? Galing kasi kami doon sa may parang kahon na bakal." tanong at sambit ni Manager Juls.

"Kahon na bakal?" nagtatakang tanong ni Aim.

"Oo, may malaking square doon na bakal, hindi namin alam kung ano 'yun kaya pinatingnan sa akin nitong si Maggie." sagot naman ni Manager Juls.

"Baka po magalit si Juno kapag may pinakialaman tayo." pagpapa-alala naman ni Aim.

"Hindi. Okay lang, hindi rin naman alam ni Juno kung ano 'yun. Nakita na daw niya 'yun dati pa pero hindi niya na lang daw pinupuna." sabat naman ni Maggie.

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Noong pag-alis kasi natin sa Racing Area ay nakasunod pa siya, pero hindi ko na napansin kung saan nagpunta o lumiko noong malapit na tayo dito sa Mt. Silvanus." medyo pabulong na tanong ni Aim kay Maggie.

"Baka bumalik doon sa Racing Area, kanina kasi noong nandun kami hindi niya ma-enjoy ang pagkarera niya kasi tinuturuan niya si Jigs ng kung ano-anong technique." sagot naman ni Maggie.

"Ha? Eh 'di ba magaling naman si Jigs? Siya ang last na nanalo sa laro eh, ba't tinuturuan siya ni Juno?" tanong naman ni Aya.

"Ewan ko, pero sa nakikita ko mas magaling si Juno eh. Pero ewan ko lang din, baka nagtuturuan lang sila ng mga kung ano-anong techniques." sagot naman ni Maggie.

"Magdederitso na si Juno ng uwi? Hindi na siya dadaan dito?" tanong naman ni Manager Juls.

"Depende po sa kanyang mood, kapag okay siya at walang baltik ay dadaan 'yun, magpapakita sa mga tao, pero kapag hindi naman, hindi na 'yun nagpapaalam. Basta-basta na lang uuwi ng hindi nagpapaalam." sagot naman ni Maggie.

"Kapag hindi nagkakabaltik?" takang tanong ni Aim sa sagot ni Maggie.

"Oo. Medyo moody kasi si Juno. Katulad na lang ng ayaw niya na maraming makakaalam sa kanya pero bigla siyang lumabas sa buong mundo noong interview mo. Depende sa kanyang mood." walang preno na sagot ni Maggie.

"Malaki ba ang posibilidad na nasa Racing Area pa rin siya ngayon?" tanong ni Aim.

"50/50." sagot ni Maggie.

"Paanong 50/50?" tanong naman ni Manager.

"50 % na umuwi na, 50 % na nandun pa." sagot naman ni Maggie.

"Manager, okay lang po ba na puntahan...." hindi na natapos ang sasabihin ni Aim ng biglang umimik si Manager.

"Oo, oo, sige na! Huwag mong kalimutang kuhanin ang number niya." sambit ni Manager.

"Ako na ang bahalang magsabi kay Direk." pahabol naman ni Manager Juls.

Sumakay ulit si Aim sa HiAce, nagpaalam ulit siya sa mga staff niya.

Pagdating ulit sa Racing Area ay naririnig ni Aim ang harurot ng motor na kakadaan lang. Bigla na lang siyang natigilan na may nagbabantay nga pala dito, at malamang sa malamang ay haharangin na naman siya. Mas pinili na lang ni Aim na bumaba at kausapin ang mga nagbabantay.

"Magandang araw po." bati ni Aim sa mga nagbabantay sa entrance.

"Magandang araw rin iho, pero bawal dito iho ang bisita o kung anuman lalo na't wala namang laro." sambit ng medyo may katandaan na edad, na kulay puti ang buhok, kulay puti rin ang balbas.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now