Chapter 67 Trying to Avoid

8 0 0
                                    

Nag-uusap ngayon si Juno at si Maggie sa kwarto ni Juno. Napapabuntong hininga si Juno habang tinitingnan ang kanyang cellphone. Napansin rin naman ito ni Maggie.

"Baka naman busy lang." basag ni Maggie sa kanilang katahimikan.

"Kahit gabi? May ginagawa?" tanong ni Juno.

"I wonder what you've done wrong."

"Me too." sambit ni Juno.

"Tatlong araw na rin buhat noong hindi ka niya kinakausap." sambit ni Maggie.

Pagkaraan ng ilang saglit ay may nagpihit sa doorknob ni Maggie, napatingin agad si Juno sa pintuan. Pagkaraan ng ilang saglit ay pumasok si Jigs may bitbit na isang kahong donut at dalawang Starbucks na kape.

"Oh hi! Congrats ulit!" bati agad ni Jigs kay Juno.

"Alam mo ba kung nasaan si Aim?" bungad na sagot ni Juno.

"Ah! Wait." sambit ni Jigs habang sinasarado ang pinto gamit ang paa.

Naglakad si Jigs papunta kay Maggie at inabot ang mga pagkain na dala-dala nito. Inilapag naman ito ni Maggie sa lamesa, ang isang kape ay hinigupan.

"I went there last night, sa company niya." umpisa ni Jigs na ngayon ay umupo sa kama ni Maggie.

"Bakit ka nga ba nagsinungaling na patay na si Fielle?" tanong ni Jigs.

Napakunot ang noo ni Juno.

"Who said that he's dead?" takang tanong ni Juno.

"Love, I forgot to tell you, nakapag-usap kami ni Juno that night after the game. Fielle is not dead..." sabat ni Maggie.

"Huh...?" slang na tanong Jigs.

"I clearly remember na wala akong sinasabi kay Sean na wala na si Fielle." sambit ni Juno.

"Oh shoot. Aim is...kind of...angry." sambit ni Jigs na kinakapa ang kanyang sinasabi.

"Angry?" tanong ni Juno na makikita sa mukha na punong-puno na ngayon ng pagtataka.

"Mn. He said that you're a..." hindi agad masabi ni Jigs ang kanyang nais sabihin.

"A...liar." dugtong ni Jigs.

"He said na ginamit mo lang siya or something para makalimutan si Fielle. And the reason why you choose to stay here in the Philippines kasi alam mong racer din ako...na kaibigan niya, na matalik niyang kaibigan. And Fielle is racer too, so malaki ang chance na makakaganti ka kay Fielle." dagdag ulit ni Jigs.

"He backgrounds checked Fielle, and Fielle has friends on his rival company, baka daw ginagago..." hindi natuloy ni Jigs ang kanyang sasabihin pa ng biglang sumingit si Maggie.

"Is your friend fucking insane?!" sigaw ni Maggie.

"After what Juno done, after her all sacrifices, 'yan ang sasabihin ng kaibigan mo?!" namumulang sigaw ni Maggie.

"Love..." sambit ni Jigs na para bang naging tuta.

"I'm just saying what Aim said last night..."

"Para alam ni Juno kung bakit nagkakaganun si Aim. Para alam ni Juno kung ano ang dapat niyang gawin." mahinang sambit ni Jigs.

"Ano bang dapat gawin ni Juno? Ha?! Eh tinetext siya, hindi nagrereply. Tinatawagan siya, hindi sumasagot! Saan ba nagmana ng kakitidan ng utak 'yang kaibigan mo?!" sigaw pa rin ni Maggie.

"Una, nagalit siya kay Juno at sa'yo kasi akala niya ginagago niyo siya. Kung hindi pa siya pinilit ni Juno na kausapin o puntahan, hindi siya makikinig. Nasisiraan na ba ng bait 'yang kaibigan mo?!" dagdag ni Maggie.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now