Walang umiimik ngayon sa sasakyan. Lahat naiilang. Hindi rin makapagbiro si Kuya Danny. Napapatingin naman si Ate Linda sa dalawang nasa likod. Si Juno ay nakatingin sa bintana ng sasakyan. Kung kanina ay puro ngiti sa interview si Juno ngayon naman ay bumalik ulit sa mukhang walang ekspresyon. Si Aim naman ay hindi maintindihan kung ano ang unang sasabihin.
"Boss, hindi madadaanan ngayon ang highway papuntang Mt. Silvanus. Tumawag na sa akin si Manager Juls kanina, ang sabi ay sa hotel ka daw muna mag-stay." unang pagbasag na katahimikan ni Kuya Nestor.
"Sige kuya." sambit ni Aim.
Itatanong sana ni Aim kung saan bababa si Juno. Kaso nagring ang phone nito. Tiningnan ni Juno kung sino ang tumatawag at saka sinagot ang telepono.
"No. My wheel is not okay yet."
"Okay. Okay."
"What do you want me to do? Fly? Malayo pa ako sa Galaxy Star Hotel."
"Okay. I will just take a cab." At ibinababa ni Juno ang telepono.
"Is everything alright?" pagtatanong ni Aim.
"Mn." tipid na sagot ni Juno.
"Uhm, I hate to say this but this area, hindi dinadaanan ng cab or ng taxi. How about we'll drop you by sa hotel na tinitigilan mo." pag-ooffer ni Aim.
Tumango lang si Juno.
"Boss, hindi mo ata narinig ang sinabi ko kanina heheh pero ang highway na hindi madadaanan ay ang daan bago sapitin ang hotel na sinasabi ni Ma'am Juno at sa hotel na tinitigilan niyo" pag-uulit ni Kuya Nestor.
"Do you know any hotel in the area? I will just rent a room for a night." sambit ni Juno.
"Ba't hindi ka na lang Juno sumama sa amin sa company ni Aim? Doon ka na lang muna magpalipas ng gabi, may mga extra namang room doon eh" pag-ooffer ni Kuya Danny.
"Oo nga Juno, pagkatapos ng ginawa mo kanina ay sigurado akong hindi tatanggi si Aim na sa company ka muna niya magi-stay. Sa sofa ng studio ka na lang matulog, malawak naman 'yun" sabat ni Ate Linda.
Hindi umiimik si Juno. Halata namang naghihintay ng sagot si Aim. Gustuhin man ni Juno na umuwi ay hindi niya magagawa. Kung maglalakad naman siya sa kalsada ay hindi pwede dahil sa sobrang layo. Narinig nilang nagbuntong hininga si Juno.
"Is it okay with you?" tanong ni Juno kay Aim.
"What? Of course!" sambit ni Aim.
Hindi alam ni Aim kung paano pasasalamatan si Juno. Buhat kanina noong pag-alis sa Stadium Center ay hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa interview. Dumoble lalo ang ilang ngayon ni Aim kay Juno. Bukod sa dobleng ilang ay dobleng hiya rin ang kanyang nararamdaman. Tiningnan ni Aim si Juno pero nakatingin na ulit ito sa bintana.
Pagdating nila sa Moon and Star Company, pagbaba at pagbaba ni Juno ay tinitigan niya ang building na pagmamay-ari ni Aim. Sarado ito ngayon dahil gabi na, pero ang bawat isa sa staff na pinagkakatiwalaan ni Aim ay may mga duplicate na susi. Binuksan ni Ate Linda ang bubog na pinto. Sabay sabay naman silang pumasok. Nagpahuli si Juno. Nilibot ni Juno ang paningin niya, na para bang sinusuri ang lugar.
"Nagpaalam daw ang mga bata Aim kanina kay Ate Ayds na uuwi muna tutal, weekend naman, kaya pinayagan niya ang mga ito." sambit ni Ate Linda.
Ang mga batang tinutukoy ni Ate Linda ay mga talent/trainee nila ni Aim para maging isang superstar.
"Lahat po sila umuwi?" tanong ni Aim.
"Oo. Pero babalik din ata bukas." sagot ni Ate Linda.
Napatingin naman si Aim kay Juno.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...