Chapter 6 - My Guardian Angel

8.6K 298 19
                                    

*Jade's POV*

"Huh? Ba-ba-bakit ka-ka na-nandi-to?" Paputol-putol kong tanong sa kanya.

"May dapat kang malaman, Mag so-sorry na ako ng maaga, Mamaya kana mag moment sa mga bigay ni Mark." Medyo malungkot na tono ni Jude. Haaay, akala ko kung sino na. Huwew! Kinabahan ako dun ha? Dali-dali kong sinara ang box at humarap sa kanya.

"Twin Brother? Anu yun? Bakit malungkot ka? May problema ba? Tell me!" Nagaalala kong tanong. Ngumiti sya ng pilit.

"Aalis na ako. Sorry, mukhang hindi na ako magiging Guardian Angel mo. Ako nalang magiging Twin Brother mo. Sorry talaga. Pero kailangan kasi eh. Sana maintindihan mo ako." Nakayuko nyang saad.

May namuong luha sa gilid ng mata ko, iiyak na ako unting tulak nalang. Bakit? Bakit sya aalis? May pinangako sya, walang iwanan.

"Ba-bakit? Anu bayan? Biglaan naman. Diba nagenroll kana? Wag mo akong iwan, Guardian Angel kita. Wala na akong tagapagtanggol." Hindi ko na kinaya, Umiyak na ako. Walang tigil ang luha ko. Hindi kasi ako sanay na iniiwan.

"Ssh, Wag kang umiyak. Akala mo madali sakin to? Hindi, ayaw kitang iwan. Sorry, Kasi uuwi na kami sa Probinsya hindi ako nakapagenroll. Dun na kami titira. Kaya ako sumama sainyo para makita ko kung masaya kana kahit wala ako. Masaya ka naman diba? Wag ka ng umiyak. May Cellphone naman diba? At may Facebook. Hindi naman ako mamamatay. Anu kaba! Tska babalik din ako hindi ko lang alam kung kelan." Mahaba nyang paliwanag. Habang niyayakap ako. Basa na damit nya, nakapang alis sya.

"Kasi naman Jude eh. Basta walang kalimutan ha? Iniisip ko palang na wala ka, naiiyak na ako. Sorry, basa na damit mo. Kelan kaba aalis?" Medyo nahimasmasan na ako. Pero humihikbi pa.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon