*Jade's POV*
Me: Anu payo mo?
Jude: Alam ko kung bakit ka natatakot. Hehe.
Me: Bakit?
Jude: Kaya ka natatakot kasi iniisip mo, na lalaki si Mark at lalaki ka din. Kaya Imposible na ma-inlove din sya sayo, di ba? Yan ang nasa isip mo. Alam mo, True Love is ACCEPTANCE. Kung mahal ka talaga nya, Matatanggap at matatanggap ka nya kahit ano o sino ka. Kung hindi ka nya kayang matanggap hindi ka nya mahal. Kasi kasama sa pagmamahal ang PagTanggap.
Me: Wow, naman jude! Ikaw ba talaga yan? San galing yan? Hahaha. Hindi, pero seryoso. Kasi panu kung ayaw nya ng ugali kong ganito, ganyan?
Jude: Haaay, hindi mo kailangan magbago para sa kanya.! Kasi dapat mahalin ka kung ano ka talaga. Miski pinaka pangit na ugali mo, mamahalin nya kung mahal ka talaga. Yan ang tandaan mo.
Me: Naku jude! Salamat! Salamat talaga! Pinagaan mo ang loob ko. Ikaw talaga ang Twin Brother ko!
Jude: Haha, no problem. Ikaw pa twin brother! Wag kang magalala nandito lang ako para sumuporta sayo. Sige, bye na. Inaantok na ako maaga pa pasok ko. Ikaw maaga din pasok mo diba? GoodNight!
-end of conversation-Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas na ang Pinaka aantay namin ni Kim, ang Program.
Kaya naman, Isang linggo pagkatapos namin magusap ni Jude ng masinsinan. Naging busy na kami sa aming preparation for the Event. Pero kahit naging busy kami hindi nababawasan ang pagiging sweet ni Mark sakin.
Nandito yung Bigla nalang syang pupunta sa Music Room at may dalang Snacks at Ice Cream. Tinutulungan din nya ako sa mga pag-aayos sa loob ng music room. Pag may practice kami, Inaantay nya ako matapos at ihahatid pauwi. In short mas naging sweet sya sakin.
Kaya tinatanong sya ni Sir Jay, na president ng music club. Kung BoyFriend ko daw ba sya, tapos ngingiti lang si Mark. Kaya naman naisip ko na ang kakantahin ko sa Event ay para kay Mark, meron kasi akong solo eh. Kasi marunong daw kasi ako mag piano at kumanta. Ewan ko nga kung bakit nagustuhan nila boses ko eh halos boses babae na nga ako kaya hindi pede ako maging CAT. Boses babae na parang bata, pakiramdam ko nga niloloko lang nila ko eh.
Dumating na ang inaantay na Program andaming nanonood, mas lalo lang kami kinabahan. Habang nasa backstage halos maihi na ako sa sobrang kaba. Pumunta naman si mark at ginoodluck nya ako. Kaya medyo nahimasmasan ako kaso pagtumitingin ako sa mga tao nawawala ako sa katinuan. Parang may gustong lumabas sa sikmura ko. Kinakausap lang ako ng mga kasama ko at ni Kim kasi kasama din namin ang Drama Club. Mauuna muna ang Dance sunod kami bago ang dula dulaan. Kaya naman, nung natapos na ang Dance troop. Halos mahimatay na ako.
"Ok, Here comes the Music Club. Ang theme na kanilang gagawin ay Love, kaya kung alam nyo ang kanta pwede kayong sumabay." Nakangiting sabi ni MC. Hay, naku palibhasa hindi magpeperform kaya hindi kinakabahan si MC batuhin kita ng sapatos eh!
Nag-aayos na kami sa stage ng mga instrument at nakita ko si Mark bandang Unahan. Kumakaway, nginitian ko nalang sya. Mas lalo akong kinabahan kasi kakanta ako para sa kanya.
Nag-umpisa na ang aming unang kakantahin. Ako ang tumutugtog gamit ang organ. At may mic sa harap ko kasi sumasabay din ako minsan. Kinakanta namin ang "Love Love Love by Hope feat. Jason Mraz", at nung nag chorus na may sumasabay na samin.
"♪Your love's a permanent distraction, a perfect internaction, a feeling so extreme.♪
♪I lost my appetite to eat, and I barely to sleep cause you're even in my dreams.♪
♪And I thought that I was strong but I knew that all along, this was out of my control.♪
♪So I fell into your hands, and I don't know where we'll land, I'm just going with the flow.♪
♪Love, Love, Love, Love, Love♪"
Grabe, nadama ko yung kanta kasi ganyan ang nararamdaman ko ngayon eh. Hihi.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...