Chapter 27 - Avoiding and Forgiving

7.3K 246 7
                                    

*Jade's POV*

Andito ako ngayon sa kwarto ko, hindi ako mapakali. Ayaw gumana ng plano ko! Asaaar!

Kailangan ko kasing iwasan si Ron dahil ayoko nang masaktan, sobrang sakit kasi eh. Bakit ba kasi ganyan sakin si Ron? Tska bakit ba kasi ang bilis-bilis kong ma-fall? Tapos wala naman sasalo.?

Ayoko ng magmahal, masasaktan lang ako. Kaya kailangan ko ng iwasan si Ron, nakumpirma ko kasi sa sarili ko na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Yung mga balun-balunan ko, atay, bituka, baga at kung ano ano sa loob ko ay nahuhulog na sa kanya! Hahah. Joke lang.

Haaay! Ano ba kasi Jade! Bakit ba ang bilis mong mainlove? Tapos ang hirap magmove on? Kaya dapat iwasan ko na si Ron dahil siguradong masasaktan lang ako.

Malapit na pala ang December, ang pinaka masayang month para sakin. Guess what? Malapit na ang Birthday ko December kasi yun. November palang naman eh. Si Ron naman January yun. Matanda siya sakin ng hhhmmmm. Mga 1 year and 11 months hahahah! Grabe naman kasi dulo to dulo ang layo ng B-day namin. Teka? Bakit si Ron nanaman ang iniisip ko? Azzaaaar!

Bumaba na ako, at kumain na ng hapunan. Hindi ko namamalayan na mag-gagabi na pala. Kakaisip ko kay Ron. Ganito ba talaga ang mainlove? Lagi nalang tulala?

Kasalanan to ni TOUR eh. Kundi dahil sa kanya baka hindi ako nagiisip ng kung ano-ano ngayon. Sisihin daw ba ang tour? Kaloka!

Kinabukasan, walang pagbabago ang nagaganap. Iniiwasan ko parin si Ron pero sya naman laging tanong ng tanong at hinahatid pa ako samin. Binawasan ko na pala ang pagiging Tahimik ko sa mga kakilala ko, nakikipagtawanan na din ako. Kaya naman napansin ko si Mark na nakangiti na sakin. Wala na akong galit kay Mark pero hindi ko pa sya kayang kausapin. Ewan? Ang gulo ko.

Dumaan ang napakaraming araw, Isang buwan na simula nung iniiwasan ko si Ron. Aaminin ko gustong gusto ko syang kausapin at pansinin kaso dapat kasi iwasan ko na sya. Pero si Ron, kahit hindi ko sya pinapansin hinahatid pa din nya ako pauwi, pinapansin nya parin ako, sinasamahan at kinakausap.

Sa ginagawa nya, mas lalo lang ako nahihirapan. Kasi mas lalo ko lang sya minamahal. Tinatawagan nya parin ako kahit na isang tanong, isang sagot lang ang ginagawa ko. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Kasi grabe parin ang effort nya sakin kahit ganun ginagawa ko sa kanya.

Gusto ko na syang tanungin kung bakit sya ganyan sakin, kaso natatakot ako sa isasagot nya. Pero tinatanong nya parin ako kung bakit ko sya iniiwasan, ang sinasagot ko lang lagi sa kanya. Pagod ako o kaya naman gumagawa ako ng palusot.

Haaay, sa isang linggo B-day ko na, sakto Christmas Break na. May pasok pa kami bukas at sa susunod na bukas ay Christmas Party na.

Mabilis na lumipas ang araw at Christmas Party na, Nagsuot lang ako ng checkered na polo at jeans. Buti nalang at medyo close ko na ulit ang mga kaklase ko kaya hindi ako mahihirapan.

Sinali nila ako sa Games na paper dance, guess what. Ako yung bubuhatin kasi magaan daw ako. At guess what pa, si Mark ang partner ko. Aaminin ko kung mahal ko pa talaga si Mark baka nangisay na ako sa sobrang kilig pag binubuhat nya ako pero, mahal ko pa naman sya kaso bilang isang BESTFRIEND lang. Hindi kami nanalo kasi nung binuhat nya ako, tumama yung siko nya sa tagiliran ko dahilan para makiliti at matawa ako. Umupo na ako at tumabi sya sakin.

"Ang Cute mo parin talaga Little Boy! Sorry kung nakiliti kita ah? Sorry din kasi hindi tayo nanalo, at Sorry pa-" saad ni Mark na pinutol ko.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon