*Clark Nathaniel's POV*
Aaaaarrrrrrrggggggghhhhhh!
Ang sakit ng ulo ko! Parang hinahati sa gitna.Ano ba ang nangyayari saken? Bakit parang hindi ako makahinga ng maayos.
Idinilat ko ang mga mata ko, medyo nahihilo pa ako.
Bakit komportable ako sa pwesto ko. May mainit na nakayakap sakin.
Nakita ko si Jade na..
Na..Nakayakap sakin?
Ano ba ang nangyari? Hindi naman ako nakahubad at hindi din naman sya nakahubad.
Iba na rin pala ang suot kong t-shirt, Oo nga pala. Ang huli kong tanda ay binihisan ako ni Jade.
Tinignan ko ang mukha nya, mahimbing ang tulog nya.
Hindi kami naka-kumot, pero hindi ako nilalamig. Kahit alam kong malakas ang aircon namin.
Naka-dapa sya sakin, nasa dibdib ko ang ulo nya at nakalusot ang kaliwang kamay nya sa braso ko. Habang ang kanang kamay nya naka yakap sakin. Naka-tingala sya sakin habang mahimbing na natutulog.
Nakayakap din ako ng mahigpit sa kanya, bakit ko ba ito ginagawa? Marahil sa sobrang lasing ko kaya ganito ako.
Naku-curious din ako kung ano pa ang nagawa ko sa kanya. This is my 2nd time na nag-inom ako ng ganito.
Hindi naman ako, alcoholic. I'm doing this for some reason at ayoko nang isipin yun.
Napaka-amo ng mukha nya, parang bata na walang ginagawang masama.
Hindi ko inaalis ang pagkayakap ko sa kanya dahil...
Ewan..
Basta, parang may pumipigil sakin.
Nakaka-believe din tong taong to, kahit ilang beses ko na syang pinagtatabuyan nandyan parin sya.
Oo, hindi ako manhid na hindi alam ang mga efforts na ginagawa nya para sakin.
Bakit nga ba ako galit sa kanya? Alam ko naman na wala syang kasalanan pero nagagalit parin ako sa kanya. Basta galit ako sa kanya.
Sumasakit lang lalo ang ulo ko.
Pumikit ako at muling natulog.
-
Nagising ako, wala na si Jade sa tabi ko.
Medyo masakit parin ang ulo ko pero kakayanin na.
Naka-kumot na din ako, Isa din yan sa mga effort ni Jade sakin. Tuwing umaga pag-gising ko naka-kumot na ako. Kaya siguro hindi ako nagigising kahit malamig na, lumalamig na kasi dahil sa aircon.
Tumayo na ako, malinis lagi itong kwarto dahil kay Jade.
Pagpunta ko sa kusina, may pagkain na. Mainit pa ito, ganito naman lagi dahil nagluluto si Jade. Pero ayaw kong galawin dahil nababadtrip talaga ako kay Jade pag naalala ko yung bagay na yun.
Pupunta na akong Cr, at pagbukas ko ng pinto.
"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhh" isang malakas na sigaw ang narinig ko.
Napatingin ako, si Jade ang tao sa loob ng Cr. At.....
Naliligo sya.
Nakita ko ang katawan nya,
Slim ang katawan nya na bagay sa height nya.
Moreno naman ang kulay nya, na light brown.Buti nalang at tinakpan nya agad ng towel ang katawan nya kaya yun lang ang nakita ko.
Pero bakit parang natutuyo ang lalamunan ko?

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Novela JuvenilSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...