Chapter 15 - Let's Start a new beginning

8.1K 267 34
                                    

*Jade's POV*

Nagulat ako na nakaluhod si Mark sa harapan namin at humihingi ng tawad, Tinawag pa nya akong Little boy. Namiss ko yun.

Nagulat ako sa sinabi sakanya ni Kim, alam ko at ramdam ko na may mali kaya bigla syang nagbago sakin dati. Kaya naman gusto kong malaman yun.

"Kim, Wait lang!" Dali-dali akong tumayo at pinuntahan si Mark. Nagulat ako sa ginawa nya, niyakap nya ako na parang hindi ako papakawalan.

"Little boy ko! Pakinggan mo ako! Sorry talaga! Ipapaliwanag ko sayo ang lahat! Sorry na talaga! Wag mo akong layuan, Hindi ko kaya." Sinabi nya habang yakap ako at umiiyak.

Niyakap ko din sya at narinig kong nagsalita si Kim "Jade! Ano ba yan? Akala ko magmo-move on kana? Bakit mo ginagawa yan?"

"Kim, Gusto ko muna syang intindihin. Sana maintindihan mo." Tumango sya at ngumiti sakin at lumabas ng kwarto nya.

"Ma- ay, Big boy ko? Pwede na ba kita ulit tawaging Big boy ko?" Nahihiya kong tanong.

"Oo naman! Sorry talaga Little boy ko! Ipapaliwanag ko sayo ang lahat. Wag mo na akong layuan." Sabi nya habang yakap parin ako.

"FYI! Hindi ako ang lumayo! Haay, sige ipaliwanag mo sakin. Tska, luwagan mo naman yakap mo sakin. Gigil lang sakin? Hindi na ako makahinga oh?" Sinabi ko na dahilan para mapatawa sya.

Ikinwento na nya sakin ang lahat. Grabe isa lang ang napansin ko. Hot parin si Mark! Hahahah. Hindi joke lang, Seryoso syang nagk-kwento sakin ng bigla ko syang kurutin sa pisngi!

"Aray! Anu ba yan! Hindi ka naman nakikinig ng maayos eh." Habang hinihimas ang pisngi nya, ow my gawd! Ang Cute parin nya.

"Namiss kasi kita eh. Hehehe" Natatawa kong sabi. Pansin nyo ba na medyo nagkabuhay nanaman ako? Kasi andyan na ulit si Mark.

"Haaay, Oo namiss din kita! Pero makinig ka muna. Wag mo akong titigan alam kong gwapo ako. Mamaya na yan!" Pagmamayabang nya.

"Tss. Hangin! Pengeng kumot, ang lamig. Masyadong malakas ang hangin may bagyo ba?" Pangaasar ko sakanya. Tinusok nya ng daliri nya yung tagiliran ko, dahilan para mapatawa ako.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon