Chapter 52 - Stone Heart

7.5K 243 22
                                    

*Jade's POV*

Natatandaan ko ang mukha nya, Siya ang ka-dorm ni Ron dati. Siya din ang nakasabay ko sa jeep dati. Pero bakit parang ang laki ng pinagbago nya?

Alam na nya ang pagkatao ko noon palang. Pero bakit inasar nya ako nung una ko syang nakita?

Kaharap ko sya ngayon dito sa foodcourt, hindi naman kami kumakain pero nakatambay lang kami.

After kasi naming kumain sa bahay kanina at ginisa nila ako ng mga katanungan galing sa mga magiging in-laws ko, umalis agad kami dahil magde-date daw kami nitong si Clark sabi ni Tita Fely.

Clark, para sakin napaka-mysterious na pangalan yan. Bagay sa kanyang pagkatao, dahil hindi ko mabasa kung anong personality ang meron sya.

Ayaw ko syang tawaging Clark, dahil marami na sakanyang tumatawag non. Gusto ko sana yung second name nyang Nathaniel. Kasi parang ang bait pakinggan.

Ang awkward naman, kanina pa sya nakatingin sakin. Hindi naman ako makatingin sakanya dahil alam kong matutulala ako sa mga mata nya na tila isang vacuum cleaner kung makahigop.

Ewan ko kung anong meron sa mga mata nya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang hiwaga ng mga mata nya dahil parang nakikita ko ang kaluluwa nya, tapos yung titig nya sakin na akala mo isang scanner dahil parang pinapasok ang buong pagkatao ko.

"And then? What's up?" Pambasag ko sa katahimikan. Sabay tingin sa kanya.

Iniwas naman nya ang mga tingin nya sakin, sabay tayo.

"Huh? Oy, san ka pupunta?" Sabay tayo at hinahabol sya.

Naalala ko yung mga rules nya sakin kanina,
1. Wag ko syang tatawaging Boyfriend/Fiancé. Pinsan lang ang pwede.
2. Pagmagkasama kami habang naglalakad 7 steps away dapat ako sa kanya.
3. Hindi ko sya pwedeng tawagan Once na nasa school sya.
4. Hindi ko pwedeng baguhin ang mga desisyon nya.
5. Wala dapat akong pakialam kung ayaw nya akong kausapin.
6. Hindi ko sya pwedeng puntahan sa school nya.
7. Hindi ko sya pwedeng halikan o yakapin kahit nasa loob kami ng bahay. Feeling naman sya akala nya gagawin ko sa kanya yun. Yuck!
8. Pagkaharap sila Tita, Hindi ako pwedeng magsumbong dahil pag-ginawa ko yun lagot ako sa kanya.
9. Pagkasama nya ako at dumating ang mga kaibigan nya dapat invisible lang ako sa kanila.
10. Sya ang gagawa ng house rules pagmagkasama na kami sa iisang bahay.

Dahil after 1 week, magkasama na kami sa condo nya na binili ni tita para samin.

Hindi pa ako handa para sa ganyang mga bagay.

Sinusunod ko nalang ang mga rules nya. Alam ko na hindi ako ma-iinlove sa kanya. At alam ko din na hindi nya ako matututunan mahalin. Pero Ok lang para fair kami na walang nagmamahal.

Kaso, hindi ko ma-take na magpakasal sa kanya lalo na't hindi ko sya mahal at hindi din naman nya ako mahal.

Ok lang na walang maka-alam na fiancé ko sya para makapaglandi pa ako sa iba. Hahahaha.

Habang sinusundan ko sya bigla nalang syang nawala sa paningin ko. Siguro nasa arcade sya, kaya naman agad kong tinungo ang arcade na malapit sakin.

Hanap dito, hanap don. Ang ginawa ko. Hanggang sa nakita ko sya na bumibili ng token.

After nya bumili ng token, pumunta sya agad sa basketball at naglaro, sinundan ko sya duon at pinanonood ko syang maglaro. Magaling sya ah? Pero mas magaling sa kanya si Mark.

"Ow, Great! After mo akong iwan, What's next?" Pagmamataray ko sa kanya. Hahaha.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon