Chapter 76 - Start of the plan

7K 247 12
                                    

*Jade's POV*

Alam kong kalokan nanaman to ni Clark.

Agad akong naglakad pababa ng hagdan, nakita ko na nagkalat ang mga lobo kung saan-saan.

Habang naglalakad ako, natatanaw ko na ang mga tao. Grabe! Nakakahiya!

Semi-formal ang mga suot nila...

"Let us all welcome the debutant....

Jade Fernandez" Pagpapakilala sakin ni Papa. Naka-mic pa sya.

Halaaa! Ano to? Debutant talaga?

Tapos pinaupo nila ako sa isang upuan medyo nasa gitna ako.

Anong oras na ba? Bakit parang ang aga nila mag-ayos.

Tinignan ko ang relo ko at nakita ko na 11:24am na pala. Grabe, late na pala kami nagising ni Clark.

"Syempre, Nag-ANO pa kayo ni Clark kagabi kaya kayo late gumising." Sagot ng kabilang utak ko. Hala sya! Bakit ko ba naisip yun?

Maya-maya tumugtog ng dance with my father...

"His Father, Jake Fernandez." sabi ni Kim? So sya ang MC? Galeng ah!

At nakita ko si Papa na palapit sakin at may hawak syang...

Tali? Hahahaha. Ano to? Itatali nila ako? Ang weird ah?

Lumapit sakin si Papa at itinali nya sa braso ko ang tali na hawak nya. Ginawa nya itong ribbon.

Galeng! Sino kaya ang naka-isip nito? Kinabahan ako dahil ayoko tumanggap ng roses pagbirthday eh. Gusto ko galing lang kay Clark. Hahahaha. Buti nalang at ribbon ang ginagawa nila.

Isinayaw ako ni Papa habang tumutugtog.

"Happy Birthday, Nak!...

Alam kong nagkukulang ako sa antensyon para sayo...

Patawarin mo si Papa ah?...

Pero alam ko naman na naiintindihan mo ako...

Dahil matalino kang bata...

Tandaan mo na mahal na mahal ka ni Papa." Sabi nya sakin. Para naman akong naiiyak nito.

"His soon to be father-in-law, Carlo Gomez." sabi ni Kim.

Tapos lumapit sakin ang Daddy ni Clark at isinuot ang ribbon, at nagsayaw kami.

"Happy Birthday Jade!...

Naging masaya si Clark dahil sayo...

Alam kong hindi mo sya iiwan...

Magmahalan lang kayo at makakaya nyong harapin ang lahat." Sabi nya sakin. Ngumiti naman ako. Puro, Thank you lang ang mga naisasagot ko sa kanila.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon