*Jade's POV*
Pasukan na! 4th year na ako! Kailangan mapanatili ko ang pagiging topnotcher. Kakayanin ko ito kahit wala si Ron.
Kada-gabi naman tumatawag sakin si Ron, kinakamusta nya ako. Ganun din ang ginagawa ko sa kanya. Ang sweet nya sakin sa text, yung magtetext sya sakin kung kumain na ako. Haha. Ang sweet lang.
Isang buwan na din ang lumipas, mas lalo ko ng na-mimiss si Ron. Pero sabi nya baka daw hindi sya makakauwi every Month dahil si Mrs. Flores daw ang pumupunta dun. Tuluyan na nga talaga kaming magkakahiwalay.
Ang hirap din pala ng ganito, dahil minsan pag hindi sya tumatawag nag-aalala na ako agad. Ganito talaga siguro pagnagmamahal.
Ako naman hindi ko pinapabayaan ang sarili ko kahit wala si Ron, ginagalingan ko parin sa school. Nakakapanibago lang talaga kasi wala ng naghahatid sakin pauwi ng bahay. Kaya naman si Mark minsan ang kasabay ko.
Nagkakaroon kami ng event sa school kaya naman halos mapaos na ako, hirap maging singer ah? Ang hirap din kasi wala kang mapag-alayan ng kanta.
Minsan nakakalimutan ni Ron na tawagan ako. Kaya ako naman hindi makatulog hangga't hindi pa sya tumatawag. Nasanay na kasi ako eh.
Naiinis ako kay Ron dahil hindi sya gumagawa ng effort para makasama ako. Nawawalan tuloy ako minsan ng gana. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung mahal ba talaga ako ni Ron. Siguro Test lang yun para sa trust.
Andito ako sa canteen ngayon, kasama si Kim. Biglang may tumabi sakin na lalaki.
"Hi, I'm John. Ikaw si Jade diba? Yung singer ng Music club?" Tanong nung lalaki.
"Yup, bakit?" Sagot ko.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. .." Binitin pa nya.
"I Like You!" Dugtong nya. Agad namang nanlaki ang mata ko. Pati si Kim.
"Please give me a chance! Wala ka pa namang Boyfriend diba?" Saad nya. Halata na ba ang pagiging gay ko? Siguro dahil malambot ako kumilos eh at magsalita.
"Sorry, may Boyfriend na ako eh" sabi ko kasi naalala ko si Ron.
"E asan naman sya?" Tanong nun. Aba! Tanong tanong pa ah?
"Busy kasi sya, College na kasi eh." Sagot ko.
"Hindi manlang gumawa ng effort na sunduin ka? Kasi nakikita kita na mag-isa minsan umuwi eh." Sagot nya. Ay stalker ko siguro to. Pero tinamaan din ako dun ah? Bakit ba kasi hindi si Ron gumagawa ng Effort?
"Excuse me? Pwede bang umalis ka na?" Sagot ni Kim. Si kim nalang ang sumagot para sakin.
Agad namang umalis yung lalaki. Agad hinaplos ni kim ang likod ko.
"Ok ka lang Jady? Sana alam ni Ron ang pagiging loyal mo sa kanya. Sabi ko na nga ba eh, Bisexual yung lalaki kanina. Pero baka trip ka lang nun. Hayaan mo nalang. " sabi ni Kim.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...