*Jade's POV*
Nanatili ang pagiging Cold sakin ni Ron. 2 linggo na simula nung araw na yun. Pero kahit papano, gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa text nya sakin pag-uwi ko galing sa Dorm nila.
From: Ron (Macho-pie)
Sorry, Cutypie! Sorry kanina. Intindihin mo muna ako. Pagod kasi ako eh. Sorry talaga! Basta sa susunod magtetext ka muna sakin bago ka pumunta. Alagaan mo yang sarili mo. I love you!Natuwa naman ako sa text nya. Pero bakit ganun? Bihira padin syang nagtetext o tumatawag sakin?
Hay nakaka-stress pala mag ka M.U na Long Distance? Nakakapagod din kasi hindi pa naman kayo kaya wala ka pang pinanghahawakan na ebidensya kung kayo ba talaga.
"Hoy, Jady? Bakit nakatulala kana dyan sa Phone mo?" Sabi sakin ni Kim na nagpaalala sakin na nandito pala kami ngayon sa kanila.
"Haaay, kawawa ka naman. Ang hirap pag Lond Distance Relationship ang status beh! Buti pa kami, hahah." Sabi ni Kim sabay harot sa Boyfriend nya. Nag-momovie marathon kasi kami dito kila kim tutal walang pasok ngayon.
"Ang sakit sa ulo! Ang tagal ko naman kasing mag1st year college eh. Para hindi na ako mahirapan ng ganito." Sabi ko habang hinihilamos ang mukha.
"Oo nga pala san ka magco-college, Jady?" Tanong ni Kim.
"Mage-exam ako sa P.U.P. Gusto ko dun eh. Mura lang tuition, kilala pang school. Pero Mage-exam din ako sa ibang universities." Sabi ko.
"May napili ka na bang Course?" Dugtong nya.
"Hhhm, Accountancy ang kukunin ko O kaya Business Courses." Sagot ko.
Try ko din mag A.U para kasabay ko na si Ron. Pag P.U.P ako malapit lang naman ang A.U dun eh. Kaya Ok lang.
Si Kim sa ICCT sya papasok kasama Boyfriend nya. Kaya baka hindi na kami masyadong magkamustahan.
December na, Ang bilis ng Araw. Kasi tutok lang ako sa school. Si Ron? Ayun, dinadalaw ko buwan-buwan pero nakakaiyak lang eh.
Hindi nya ako kayang ipagmalaki, parang ikinakahiya nya lang ako. Magkikita kami patago lagi.
Sa dorm nya pagnandun kami tska kami naghaharutan. Pero in-public miski magsabay kami lumakad hindi nya magawa. Hinahayaan ko nalang kasi baka makita sya ng mga kaklase nya. Pero pano pagkami na? Ikakahiya parin kaya nya ako?

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...