*Someone's POV*
Paalis na ako ng bahay ng makalimutan ko ang aking Cellphone, kaya naman dali-dali ko itong kinuha.
Isinarado ko ng mabuti ang pinto ng bahay namin dahil may dala naman silang susi, at ako ang huling umaalis.
Sumakay na ako ng tricyle papunta sa trabaho ko.
Paakyat na sana ako sa aking destinasyon ng may tumawag sakin,
-call-
Unknown: Hello? Is this ___________?
Me: Yes, Sino po sila?
Unknown: Aaay, oi! Musta kana _______? Ako to si __________.
Me: ________? Halaaaa! Musta kana? Antagal na nating hindi nagkikita ah? Pasyal ka naman dito. Eto, namiss ka! Haha.
Unknown: Haha, Sige gusto mo ngayon na eh. Ok lang naman ako, pasensya kana kung bigla nalang ako nawala ah?
Me: naku! Ok lang atleast tumawag ka na ngayon. Musta na nga pala si _________?
Unknown: Ok lang naman sya. Pero alam naman nya yung mga pangarap natin eh. Ikaw naalala mo pa ba yun?
Me: alin yun? Yung tungkol kay _______ at kay _________?
Unknown: Oo, hahaha! Buti naalala mo pa! Kagagaling lang din kasi namin sa New York last year. Kayo nga ang una kong hinanap kaso ang hirap eh. Pero alam na ba ni ______ ang tungkol dun?
Me: Hindi pa eh. Kasi ang sabi ko pag tama na ang panahon sasabihin ko na sa kanya kaso masyado pang maaga. E si __________ alam na ba nya?
Unknown: Alam na nya last year pa. Kaya nga agad agad syang nagsabi na umuwi na daw kami sa pinas eh.
Me: Sige kita nalang tau, mukhang ang haba na ng pinaguusapan natin. Kaya magkita nalang tayo sa dating tagpuan?
Unknown: Ahhh. Sige!
-end of call-Dumiretso na ako sa Hr namin pari ipasabi na a-absent muna ako ngayon dahil kailangan lang talaga. Hahaha. Emergency kumbaga. Bwhaha. Pero pumayag naman sila kaya agad-agad na akong umalis sa opisina at nagtungo sa pupuntahan.
Pag-upo ko sa upuan, napansin ko na 12 years na din pala ang nakalipas simula nung umalis sila. Nakakapanibago ang lugar, may mga puno na namatataas. At medyo makalat na hindi gaya nung dati.
Habang nakaupo ako sa upuan, iniisip ko yung mga masasayang araw namin dito. At hindi ko namamalayan na may nagtakip ng mata ko.
"Hulaan mo kung sino?" Saad nya pinipilit na baguhin ang boses. Kaya naman natawa ako.
"Sus ikaw yan _______" saad ko sa kanya. Agad naman nya akong niyakap. Niyakap ko din sya dahil namiss ko talaga sya.
"Musta kana! Mas lalo kang bumata ah?" Saad nya. Sus, nambola pa.
"Ikaw nga parang yumaman kapa ng husto ah? Mayaman kana dati nagpayaman kapa? Kaya pala ng iwan kayo!" Saad ko kunyari nagtatampo.
"Haaay, kasi nga para na din maayos ang mga papeles nila __________. Para na din sa future nila at natin yung ginawa ko. Kaya sorry na!" Paghingi nya ng paumanhin. Alam ko naman talaga kung bakit sila umalis dahil dun kaya ok lang sakin.
"Oh? Musta na nga pala si ________? Tanggap ba nya?" Tanong ko.
"Oo, tanggap nya. Katunayan nga eh, excited pa sya para dun. Sa ibang bansa kasi Open sila about dun. E si ______ alam na ba nya? Baka naman hindi nya matanggap?" Saad nya na may malungkot na tinig.
"Haay, ok lang sa kanya yun sigurado. Masunuring bata naman yun eh. Kelan pala tayo magkikita kita kasama sila?" Saad ko.
"Hhhmm, pagnasabi mo na sakanya ang totoo. At kung tanggap na din nya. Nakikita ko ang mga picture nya sa Facebook ah? Bagay talaga!" Saad nya na nagpatuwa sakin.
"Oo, matagal na! Bago pa ipanganak bagay na! Haha!" Saad ko nagtawanan kami.
Wala kaming ginawa maghapon kundi, magkwentuhan at magkamustahan. Napagplanuhan ang mga bagay bagay.
Hapon na din ng matapos kami at umuwi na.
"Sige, Uwi na tayo. Asahan ko ang mga plano natin ha?" Saad nya.
"Haha, sure!" Saad ko din.
Napagpasyahan ko ng umuwi sa bahay tutal absent na din naman ako sa work.
Namiss ko talaga sya!
Itutuloy.....
(A/N: Oh? Sino kaya sila? At sino kaya sila blank? Sorry maikli lang to kasi parang special chapter lang to. Malalaman nyo din kung sino sila. Hula kayo guys! Hahha. Sige. Votes, Comments and share! Btw, mukhang nasa gitna na tayo ng story. Hahaha. Minamadali ko na din kasi eh.)

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...