Chapter 34 - Helping Hand

5.8K 221 12
                                    

*Jade's POV*

Hinatak na agad ni Mark ang kamay ko, nasa bahay na ako ni Mark ngayon.

"Oh, Kuya Jade? Ok ka lang po ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Vincent. Kumakain kami ngayon dito, wala si Tita dahil nasa kanyang work. May Work na kasi sya.

"Uhhmm, Ok lang ako Vincent! Kain ka lang dyan." Naka-ngiti kong saad kay Vincent.

"Sige kuya Jade! Nood tayo mamaya sa Kwarto ko kuya Jade! Please? Movie Marathon tayo!" Pag-iimbita sakin ni Vincent. Haaay! Ang cute mo talaga! Ang bait pa.

"Uum, Sig-" pinutol ni Mark ang sasabihin ko.

"Bakit naman sa kwarto mo pa? Sa kwarto ko nalang Little boy." Sagot ni Mark.

"Lagi nalang kasi sa kwarto mo kuya! Baka nauumay na si kuya Jade! Haha!" Natatawang saad ni Vincent. Na ikina-tawa ko din.

"Hahah! Sige! Dun ako sa kwarto mo Vincent! Ano papanoorin natin? Sama ka Big boy?" Tanong ko kay Mark. Naka-pout si Mark ngayon. Hahah! Ang cute nya dyan.

"Hindi na! Magbabasa muna ako at matutulog." Saad nya. Hinayaan nalang namin sya.

Pagkatapos kumain ay naghugas ng pinggan si Vincent. Ang sipag ng batang to! At pumunta na kami sa kwarto nya. Si Mark naman pumunta na din sa kwarto nya.

Ang kulit ng kwarto ni Vincent, Talo yung kay Mark. Ang linis kasi eh. Tapos may poster ng One Direction. Fan siguro sya. Natutuwa ako pag nakakakita ng kwarto na may poster ng Idol nila.

Inayos na ni Vincent ang Laptop nya. Kasi dun daw kami manonood, wala kasi syang t.v dito sa kwarto nya pero si Mark meron. Sabi kasi ni Mark pinagipunan daw nya un. Haha.

"Kuya Jade? Ano papanoorin natin? Ano ba gusto mo?" Tanong nya sakin.

"Hhhmm, yung nakakaiyak nalang! Haha! Walang iiyak ha?" Sabi ko. Gusto ko kasing ilabas ang mga kaninang luha eh. Haha.

Nanood na kami ng 3 idiots, whahah! Nakakatawa sya pero nakakaiyak din. Tungkol sya sa friendship at mga pangarap mo.

Ang tagal ng movie siguro mga 2 h and 30 mins ang itatagal?

Nakaramdam ako ng pagbigat ng balikat ko. Nakita ko si Vincent na natutulog sa balikat ko. Ang cute nya! Naalala ko tuloy si Ron kaya naman dun na ako umiyak.

Nagising si Vincent sa paghikbi ko. "Oh? Kuya Jade? Bakit ka umiiyak?" Saad nya.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon