Chapter 18 - It's Over

7.3K 253 19
                                        

*Jade's POV*

"K" reply ko.

Hindi na ako kumain at natulog na ako. Kahit naman galit ako kay Mark, Gusto ko parin syang makita. Ganto talaga ako pagnagtatampo, pero suyuin lang ako ok na.

Umaga na, walang pasok ngayon dahil sabado. Pagtingin ko ng Phone ko, 9:00am na napagod siguro ako kahapon. Nakita ko na wala si Mark Missed calls sakin. May text lang sya.

"Hindi na kita tinawagan kagabi kasi alam kong galit ka, sorry na talaga! Hindi ko naman talaga gustong iwan ka eh. Basta punta ka mamaya ah? Yung mga bilin ko din. Ikaw ang gusto kong nandun, kakausapin din kita ng maayos para wag ka nang magtampo. Sorry na talaga! Punta ka nalang sa bahay ha? GoodMorning! :-)" Text nya na kahit papano nagpangiti sakin. Ganito ako sa kanya. Nagagalit ako pero kahit anong gawin nya, natutuwa ako? Landi ko kase eh.

Naghilamos muna ako at kumain ng breakfast. Tatawagan ko pa pala si Ron. Kaya naman tinawagan ko yung ginamit nya kagabi.

-call-
Me: Hello, Ron?
Ron: Oh Jade? Napatawag ka? GoodMorning!
Me: GoodMorning din! Hhmmm. Ron may gagawin ka ba mamaya?
Ron: Hmmm. Wala naman, bakit? Date tayo? Haha.
Me: luh? Adik! Samahan mo naman ako sa Birthday ni Mark? Please?
Ron: huh? E di ba galit yun sakin? Baka magulo lang Birthday nya?
Me: Hayst! Hindi yan. Sasamahan mo lang naman ako eh. Tska para na din sabihin ko sa kanya na Mabait ka talaga.
Ron: Sige! Basta ikaw ang bahala ha? Hahaha. Punta nalang ako dyan sa Gate ng Village nyo. Ok?
Me: Sige. Text nalang ako ulit. Bye. Thank you!
-end of call-

Naghanda na ako para sa pagpunta ko kila Mark. Pagtingin ko sa labas medyo makulimlim. Tsk tsk tsk! Uulan ba mamaya? Kaasar naman oh? Tinawagan ko muna si Jude pampalipas ng oras. Ikinuwento ko sakanya lahat. Masaya naman daw sya para samin. Tumingin ako sa Oras at maghahapon na pala. Kaya naman hindi na ako kumain ng lunch kasi kakain naman mamaya eh.

Naligo na ako, at nagayos ng sarili ko. Dapat Cute na Cute ako sa suot ko. Tinext ko na din si Ron na pumunta na. Kinuha ko na yung regalo ko sa kanya na bracelet. Nagpabango na ako para mabango ako. Nagtext na si Mark na pumunta na daw kaya naman bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi na ako nagdala ng payong kasi sasakay naman ako tska kung umulan ng malakas kila Mark na ako matutulog. Hihi!

Sumakay na ako ng Tricycle sa labas para bumaba sa Gate kasi nandun si Ron.

Pagbaba ko ng Gate nandun na nga ako mokong. Wow ah? Maporma sya. Gwapo naman talaga sya. Kaso mas gwapo naman kasi si Mark eh. Hihi. Naglakad na kami papunta kila Mark kasi malapit naman eh. Pinansin nya yung T-shirt ko. Sabi nya kay Mark yan noh? Tumango nalang ako. Naglakad na kami.

Pagtapat namin sa Gate nila, kinakabahan ako. Bakit kaya? Siguro dahil sa excitement. Nag doorbell na ako at lumabas si Vincent.

"Hi kuya Jade! Gwapo natin ah? Punta nalang daw po kayo sa likod bahay. Parang parehas kayo ni kuya ng damit?" Bungad ni Vincent. Ngumiti nalang ako.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon