*Jade's POV*
"Waaah! Wala akong katabi sa tour!" saad ko sa library nakalimutan nasa library pala ako. Nakakahiya!
"Ssshhhh! Silence Please?" Pagsita sakin ni Mam Arellano, ang aming librarian.
Napayuko nalang ako. Wala naman talaga akong balak basahin dito eh. Pero kumuha ako ng Physics, para na rin pag4th year ko. Mas masakit kasi makita si Mark na nakikipaglandian kay Lovely. Aaminin ko maganda si Lovely kaso kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ang sarap nya i-ngudngud sa lamesa sa kalandian nya. Nagseselos ba ako? Dapat hindi eh, hindi naman sakin si Mark.
Nagpapasakit sa sa ulo ko na isang buwan nalang pala ay Tour na namin, wala akong katabi! Si kim lilipat sa kabilang bus! Waaah! Kalandian din nun eh. Kailangan ko pa naman sumama kasi required yun. Si Mark may plano pa naman kami about tour, kaso malabo ng mangyari yun. Lilipat sa bus namin si Higad na Lovely! Bwisit! Sige wala nalang akong katabi, kaya ko naman eh.
Bumalik na ako sa Room, mukha kasing male-late ako paghindi ako nakapunta ng maaga dun dahil hirap parin ako maglakad. Hindi naman masyadong masakit kaso bilin parin ng doktor eh.
Pagdating ko dun, May mga ilan ng tao. Andun na din si Mark, nakatingin lang sya sakin ng seryoso. Hindi ko sya pinansin umupo na ako sa pwesto ko. Alam kong nakatingin lang sya sakin kaya naman kumakabog nanaman ang dibdib ko. Hindi ko alam hindi ko pa sya kayang patawarin. Kahit ayaw ko syang mawala sakin.
Wala akong magawa, tumingin ako sa relo ko. Waaah! 15 mins. Pa bago magsimula ang klase after break. Nilabas ko nalang ang libro ko na songhits, hahaha! Kakanta nalang ako sa isip ko at kakabisaduhin ang ibang Katy Perry songs.
Nakakailang kanta na ako nung dumami na ang mga kaklase ko, dumating na din si Kim. Hindi ko sya pinansin nainis kasi ako sa balita ng boyfriend nya eh.
"Jade! Sorry hindi kita makakatabi sa bus. Lilipat kasi ako sa bus nila Josh eh. Sorry ha?" Saad nya. Hindi ko sya kinibo. Wala naman akong karapatan sa kalayaan nya. Kaibigan lang naman ako, LAGI!
"Jade, Sorry na! Sama ka parin sa tour ha? Pagbaba naman natin sa EK magkasama tayo eh. Sorry talaga!" Pagmamakaawa nya. Tinignan ko lang sya. Ngumiti sya, pero nawala din nung napansin na wala akong reaksyon. Para saan pa?
Lumipas ang mga araw na ganun parin si Ron ang naghahatid sakin pauwi. Nagpacheck up na din ako sabi pwede na daw tanggalin ang nasa hita ko next day. Yes! Magiging normal na ulit ko. Ang sakit parin pagnakikita ko si Mark kasama ang kalandian nya. Sakin kaya nagseselos din kaya sya kay Ron? Haay! Pakiramdam ko hindi naman eh. Pero minsan nilalapitan ako ni Mark para kausapin pero hindi ko sya pinapansin. Pero aaminin ko, hindi ako makatulog sa gabi pagnaiisip ko si Mark. Namimiss ko sya, dahil parte na sya ng puso ko. Pero parang pakiramdam ko hindi ko na sya gaano kamahal, parang nababawasan na. Mahalaga na lang sya sakin. Sana tuloy tuloy na to.
Mabilis pang lumipas ang mga araw at wala na ang nasa paa at hita ko. Nakakalakad na din ako ng maayos, pero hindi ganun kabilis. Pero nasanay na din ako sa pagbabago ko. Kelan kaya ako ngingiti ulit sa maraming tao?. Nagtataka nga ang mga nasa Music club eh. Speaking of music club, dahil malapit na ang tour namin magkakaroon kami ng program at kakanta nanaman kami. Haay lagi nalang! Nabuburyo na ako. Pero kakantahin ako ngayon ang nasa loob ng puso ko at nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Roman pour AdolescentsSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...