*Jade's POV*
Nang biglang may tumabi sakin, tinignan ko kung sino. Natuwa ako sa nakita ko. "Tabi tayo, Please?" Saad nya sakin.
Dali-dali akong tumayo at niyakap sya. Buti may katabi na ako, at sya pa.
"Oh ano? Ok lang ba? Namiss mo ko ah?" Nakangiti nyang saad. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningala ko sya.
"Hangin ah? Oo na! Kailangan kita dito ngayon, Ron!" Sabay yakap ulit sa kanya. Ok lang kahit hindi si Mark ang katabi ko. Katabi ko naman si Ron eh, mukhang magiging masaya na ako. Ewan ko talaga, bakit pag niyayakap nya ako nakakaramdam ako ng comfort?
Kinuha nya yung mga gamit ko at inilagay sa lagayan ng bag kasama yung sa kanya. Ang kulit nga nya eh para syang si Mark mag asikaso, pero bakit ganun? Hindi na ako masyadong nalulungkot pagnaiisip ko sya? Pero may sakit parin sa puso kopagnakikita ko syang kasama si Lovely ang gulo noh?
Nasa bandang likoran sila Mark pero hindi ko sya masyadong pinapagtuonan ng pansin. Binigay sakin ni Ron ang Wallet, Camera, Cellphone, At Panyo nya. "Oh? Anu gagawin ko dito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Itatapon mo! Joke lang! Syempre ikaw ang maghahawak para sakin. Hehe, Ok lang ba?" Natawa ako sa sinabi nya, para syang bata.
Naupo na sya at tumabi sakin, umakyat na ang teacher ko at kinuha ang mic ng aming tourguide. "GoodMorning class! Enjoy lang tayo ha? May announcement pala ako. Andito si Ron James Flores, 4th year. Dahil nakipagpalit sa kanya si Gerald dahil sabi ng magulang nya, kung pwede tabi sila ng kuya nya sa kabilang bus at pumayag naman kami kaya andito si Ron. Again mag enjoy lang kayo ha?" Masiglang saad ni Ma'am. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko ng 'hoooooo' dahil sa sinabi ni Mam sa dulo na i-enjoy daw namin.
"Aah! Kaya pala! Yes! Katabi kita ngayon hindi ako lonely! Hahaha!" Saad ko kay Ron na abot langit ang ngiti. Problema nito?
Umandar na ang aming bus, nagkkwentuhan lang kaming lahat sa loob ng bus. Ang saya talaga kasama ni Ron. Sana nga ay sakanya nalang ako nainlove. Tumayo ako at Tinignan ko si Mark sa likod at nakita kong nakasandal sa balikat nya si Lovely na natutulog. Tumingin sakin si Mark ng seryoso iniwas ko agad ang tingin ko sa kanila. Umupo ako at nagulat sa ginawa ni Ron.
Hinawakan nya ang kamay ko, holding hands kumbaga. Tumingin ako sa bintana dahil na-aawkward ako. "Ok lang ba? Kung ayaw mo tatanggalin ko na" saad ni Ron sa tonong malungkot. Hindi ako kumibo, bagkus ay isiningit ko ang mga daliri ko sa pagitan ng daliri nya at hinigpitan ko ang pagkahawak ko ng kamay nya. Ewan ko bakit parang nakakaramdam ako ng comfort? Lagi nalang!

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Roman pour AdolescentsSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...