Chapter 79 - His back with Stone heart

7.6K 271 96
                                    

*Mark's POV*

"Buti nalang...

Dinala nyo agad sya dito." Ayan ang sabi ng doktor bago sya tumalikod.

Hindi daw kumakain si Jade kaya sya nagkaganyan. Hawak-hawak ko ang phone nya.

Bakit ba kasi wala si Clark dito. Tinawagan na sya ni Kuya Art, hindi ko lang alam kung pupunta sya.

Basta ang alam ko lang, pinabayaan nya si Jade. Gulong-gulo ang utak ko. Bakit nagkakaganyan silang dalawa?

Ang alam ko lang, ayos sila at masaya sila sa isa't isa pero ano ang nangyari?

Pakiramdam ko lumayas si Clark kaya nagkakaganyan si Jade. Ngayon ko nalang ulit nakita si Jade na ganyan, at hindi ko ito kaya.

Nasasaktan din ako dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko si Jade. Mahal namin ni Jade ang isa't isa pero alam din namin ang limits.

May pangako kami ni Jade sa isa't isa, ang magkasama parin kami kahit may kanya-kanya na kaming pamilya.

Alam mo yung mahal mo sya kaya ayaw mo syang mawala sayo, pero hindi tulad ng pagmamahal nila ni Clark.

"Haaay" buntong hinga ko. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong magiging ayos din sya.

Binuksan ko ang phone ni Jade, bumungad agad sakin ang picture nila ni Clark.

Wala itong password at malapit na ding maglowbat.

Pagbukas ko ng lock nasa conversation na agad ang nakita ko.

Puro text ni Jade kay Clark ang nababasa ko.

Clark, Please... Don't leave me!

Baby ko, ano ba ang nagawa ko? Sagutin mo naman ako oh?

Mahal na mahal kita, Clark! Wag mo akong iwan.

Hindi ko kakayanin ang mawala ka!

Ilan lang yan sa mga text ni Jade na nabasa ko.

Gumapang ang galit sa buo kong katawan dahil sa nabasa ko.

Ibigsabihin totoo nga ang akala ko? Na si Clark ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Jade.

Tama din ang hula ni Kuya Art, na si Clark talaga ang may kasalanan.

Ini-scroll ko ito pataas, mas nagulat ako sa nabasa ko...

"Wag kang nang mag-alala, buhay ako. Pero hindi na muna ako magpapakita sayo...

Para malaman mo kung gaano ba talaga ako kahalaga sayo...

Masakit lang sakin na pinagkatiwalaan kita ng buong-buo tapos masasaktan lang ako ulit.

Hindi ako naniwala sa sinasabi nila dahil mas naniniwala ako sayo...

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon