Chapter 81 - Stay

11.4K 326 118
                                    

*Jade's POV*

Arrrrgggghhh!

Ganito ba talaga ka-sakit?

Parang pinipiga ang utak ko, sobrang sakit.

Parang ang init-init ng ulo ko, parang lahat ng init sa katawan ko napunta sa ulo ko.

Agad kong idinilat ang mga mata ko, at...

Nakita ko agad ang kamay ko...

Na..

Nakayakap kay Clark?

Teka? Naka-unan ako kay Clark?

Agad kong hinawakan ang ulo ko, masakit talaga sya.

Eto ba ang hangover? Ngayon ko lang sya na-experience eh.

Teka?

Tumingala ako at nakita ko si Clark na natutulog.

Teka?

Bakit ako naka-yakap sa kanya?

Agad kong inangat ang kumot sa katawan ko...

Hindi naman ako naka-hubad. Ibigsabihin walang nangyari samin.

Tsaka, bakit naman may mangyayari samin eh galit nga sakin yang si Clark at...

Hindi naman nya ako pinapaniwalaan.

Agad kong tinanggal ang pagkakaunan ko sa kanya at dahan-dahang tumayo.

Para akong matutumba nito. Parang daig ko pa ang may sakit.

Nagtungo ako sa kusina, makapagtimpla nga ng kape.

Sabi nila mawawala daw to, pagnag-kape eh.

Isinalang ko muna yung takure sa kalan.

Pumasok muna ako sa Cr para sa morning rituals ko.

Habang naghihilamos ako, napatingin ako sa....

Sa....

Pimple ko, waaaaah! May pimple nanaman ako?

Nasa bandang tuktok ng noo ko.

Ok lang, matatakpan naman to bangs ko eh. Hahahaha.

Napatingin ako sa salamin, at...

Naalala ko ang kagabi.

Alam ko na marami akong sinabi kay Clark.

Alam ko na naglabas ako ng lahat-lahat sa loob ko sa kanya kagabi.

Pero,

Bakit nakayakap ako sa kanya?

Sabagay tulog naman sya kaya hindi nya alam yun.

Naramdaman kong...

Sumakit ang dibdib ko...

Dahil...

Naalala ko nanaman si Clark na may kayakap na babae at...

Si...

Jessy yun.

Ayoko na! Ayoko ng umiyak.

Lagi nalang akong ganito, dapat ba talaga na lagi akong masasaktan?

Pagnagmamahal ba dapat laging nasasaktan?

Dapat ba akong masak-

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii...

Tunog ng takure, kumukulo na pala.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon