*Mark's POV*
Nagising ako, Halos naidlip lang ako. Ang sakit kasi ng ulo ko. May nakadagan pala sa dibdib ko.
Tinignan ko ito at nakita ko na mahimbing ang tulog nya, Napaka-amo ng mukha nya. Hindi ko lubos maisip kung bakit nya nararanasan ang mga ganito, Napakabuti nyang tao.
Madilim pa sa labas, Pero na-aaninag ko ang mukha nya dahil sa ilaw ng lamp shade. Masakit ang ginawa sakin ni Lovely, Ginawa ko ang lahat para sakanya.
Naniwala kasi ako sa mga pangako nya sakin, Ako lang daw ang mahal nya pero nagsisinungaling lang pala sya.
Nung nalaman ko ang tungkol kay Lovely, Nadurog ang puso ko.
-FlashBack-
"Mark, Nakita ko si Lovely kasama si Ron nung isang araw. Alam mo ba yun?" Sabi sakin ng classmate ko."Huh? Talaga? Hindi naman siguro. Pero baka naman nagpapatulong lang sa kung ano-ano." Sabi ko. Bakit naman makikipag-kita si Lovely dun? E diba College na yun? Baka naman about sa course nya. Tska alam ba ito ni Jade?
"Mark, Wag kang magulat sa sasabihin ko ha? Alam mo ba na Ex-Boyfriend nya si Ron? At alam mo ba na nililigawan ulit ni Ron si Lovely? Nakita ko sila dati magkasama may dala pa nang bulaklak si Lovely eh." Sabi sakin na nagpadurog ng puso ko. Bakit naglihim sakin si Lovely? Sabi nya walang taguan ng secreto? Ano ang nangyari?
Hindi ko na sya inantay na magsalita pa, umalis na ako agad papunta sa bahay ni Lovely.
Pagdating ko, kinausap ko agad sya.
"Honey, Sabihin mo sakin ang totoo? Ka-ano-ano mo si Ron?" Diretso kong tanong. Nagulat sya sa tanong ko.
"Ho-honey? H-hi-hindi k-kit-a ma-maintindi-dihan?" Utal-utal na sabi nya. Mukhang nararamdan kong iniiba nya ang tanong. Kung saan-saan kasi sya tumitingin eh.
"Sabihin mo lang sakin ang totoo! Bakit ka nagsinungaling sakin?" Sabi ko.
Umiyak sya bigla, "Oo! Tama ka! Nagsinungaling ako sayo! Ex ko si Ron.!" Sagot nya na nagpagulat sakin.
"May nakakita pala sainyo, bakit kayo nagkikita ng hindi ko alam?" Sabi ko.
Nanahimik lang sya.
"Sumagot ka! Bakit?" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...