*Jade's POV*
"Jade, remember the reunion natin ah? Punta ka, dapat kompleto tayo." Sabi ni Kim sakin over the phone.
Pupunta ba ako? Ayokong makita sila Lovely eh. Alumni homecoming kasi ng dati kong school. Hindi naman required pero pinapakiusapan kasi ako nila Sir Jay eh. Kanta daw ako sa event na yun.
Sakto, rest day ko ang araw na yun. Pero kailangan ko munang magpaalam kay Clark kung pwede ako. Alam mo naman yun, masyadong strict lalo na't gagabihin ako.
Sinabi nya sakin na alam nyang mahal ko sya at alam din nya na hindi pa yun lubusang buo. Kaya naman nyang maghintay pagnaghilom na ang sugat ng puso ko.
By the way, 2nd Sem ko na pala last week pa. Naging masaya naman ang Sembreak ko dahil kay Clark. Mas lalo ko syang nakikilala nang husto.
Aaminin ko, sino ba naman ang taong hindi magkakagusto kay Clark? Masipag, mabait, maalaga, at syempre gwapo! Akalain mong mataas ang mga grades nya? Naalala ko pa nga yung sinabi nya sakin nung pinakita nya sakin yung Grades nya eh. "Oh, Mataas yan ah? Sinabi ko sayo na mas lalo akong naiinspire mag-aral dahil nandito ka sa tabi ko...
I love you!" Sabi nya sakin. Syempre kinilig ako nun.
Back to reality,
Bukas na ang alumni homecoming namin...Kailangan kong magpaalam kay Clark..
-
"Baby ko! Kain kana!" Sabi ko sa kanya pag-uwi nya dito sa condo namin.
"Nagluto ako! Masarap yan!" Sabi ko.
Naka-uniform pa sya na lumapit sa lamesa..
"Ang bango naman nyan, Baby!" Sabi nya. Natuwa naman ako.
"Wala bang gayuma yan?" Pagbibiro nya. Loko talaga to.
Siningkitan ko sya ng mata,
"Pero kahit naman wala o merong gayuma yan....Mahal parin kita!" Sabi nya. Napangiti naman ako.
"Ooopsss!....
Siya'y kinikilig!
Siya'y kinikilig!" Kinanta pa nya. Loko talaga to."Kain na tayo!" Sabi ko.
"Baby, kilala kita...
Alam kong may sasabihin ka?
Ano ba yun?" Sabi nya.
Grabe, kilala nya na talaga ako. Ok!
"Uuumm..
Meron kasi kaming alumni homecoming bukas...
Beke nemen?" Sabi ko. Hahahahah. Vice ganda lang?
"Ano oras ba yun?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...